^

Pang Movies

Troy at KC, madalas mag-away

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Troy at KC, madalas mag-away
Troy at KC

Nagkuwento ang magkapatid na sina Troy at KC Montero ng kanilang mga pinagdaanan nang manirahan na sila sa Pilipinas noong 1998 at maging ganap na celebrity dito.

Nagkabukuhan ang dalawa sa kanilang mga kalokohan noong sila ay mga bata pa nung ma­ging guest sila sa Fast Talk With Boy Abunda.

Kilala ang Montero brothers bilang Filipino-American celebrities. Si Troy ay nagsimulang maging model bago naging aktor. Habang si KC naman ay isang DJ at host.

Pinay ang ina nilang si Cynthia Garabato Miller. Mayroon pang nakababatang kapatid na ang dalawa na si Coby Miller.

Inamin ni KC na mas guwapo sa kanya ang kuya niyang si Troy: “Dito sa Pilipinas, siya ‘yung guwapo, ako ‘yung pogi…pogi parang cute lang, guwapo is handsome.”

Aminado sila na madalas din silang mag-away noong sila ay mga bata pa. Pero madalas daw na mam-bully si Troy.

“I’m six years older, ako ‘yung Kuya so you know… minsan he deserves it e,” depensa ni Troy.

Ayon pa sa magkapatid, never silang nag-away pagdating sa babae pero inamin ni KC na madalas magka-crush kay Troy ang ilan sa mga naging girlfriend niya noon: “Kasi nga pogi lang ako,” natatawang sinabi ni KC.

Si Troy ay na-link noon kina Charlene Gonzalez at Nikki Valdez. Nga­yon ay happily married siya sa dating sexy actress na si Aubrey Miles. Mayroon silang dalawang anak na sina Rocket at Hunter.

Kasal na rin si KC Montero sa former Miss World New Zealand 2007 na si Stephanie Dods. Sila ay may isang anak na si Wyatt. Dating nakarelasyon ni KC ang singer na si Geneva Cruz.

vuukle comment

KC MONTERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with