^

Pang Movies

Fans gumagastos pa rin sa sinehan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Fans gumagastos pa rin sa sinehan
Joshua Garcia at Julia Barretto

Bongga pala ang ‘balikan’ nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa takilya na Un/Happy for You dahil mahigit P100 milyon na raw ang kinita kahit hindi pa ito nakaka-one week sa mga sinehan.

Kaya naman masasabing ito ang pinakamalaking opening gross ng isang local movie ngayong 2024.

Jackpot sina Joshua at Julia.

Pero ang isang sigurado, kailangan talaga ni Julia si Joshua.

Maraming pelikula na si Julia na naipalabas pero ang alam ko ay hindi kumita.

Naalala ko pa na meron siyang pelikulang Expensive Candy na nagpa-sexy pa siya at maganda raw ang kuwento pero hindi ko napanood, na flop din sa pelikula.

Gusto kong panoorin ang Un/Happy For You bago ako magkomento sa pelikula.

Hintayin ko yang ipalabas sa streaming platform dahil tiyak na doon naman ‘yan babagsak.

Ang isang sigurado rito, handang gumastos ang mga manonood kapag nagustuhan nila ang isang pelikula. At hindi naisip kung magkano ang bayad sa mga sinehan na ngayon pala ay may libreng popcorn na.

Yes, lahat daw ng mga nagbabayad sa mga sinehan at bibili ng ticket may libreng bucket ng popcorn.

Bongga. ‘Yun ang hindi ko na kayang gawin, ang pumunta ng sinehan upang manood ng sine.

Mas gusto ko na sa bahay lang natutulog pag masama ang pakiramdam at kumain-kain naman ‘pag maayos ang pakiramdam.

Ganun ang buhay ng 77 years old.

Paano pa kaya kung umabot ako ng 80?

Hahahaha. Kakaloka.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with