Bilang Sentimental Songstress, hindi maipagkakaila ang galing at ganda ng boses ni Imelda Papin. Kaya naman hindi na nakakapagtaka na metikoloso siya sa pagpili ng hahangaan na singer.
Sino nga ba sa young singers ang hinahangaan ni Imelda?
Sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niyang pinapakinggan niya ngayon sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo. “To be honest, one is Regine (Velasquez). Alam mo ba si Regine, tagahanga ko pala. During her first year anniversary, ako ang sinurprise sa kanya.
“‘Pag nasa Bulacan ako, si daddy niya at saka siya, takbo sila para manood sa ‘kin. I love her at talagang hindi niya nakakalimutan na idol niya ako and I thank her so much,” sey ni Imelda.
Bukod kay Regine, sinabi rin ni Imelda na isa si Sarah Geronimo sa mga young singers na hinahangaan niya ngayon.
“Of course, Sarah (Geronimo) is doing very well. Maraming magagaling, actually lahat sila magagaling. They’re all good, talagang fantastic singers. Kaniya-kaniya tayong mga style and congratulations to all of you, all of us,” sey pa ng singer na ngayon ay nakaupong Director ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO)..
Bukod sa pagiging Sentimental Songstress, binansagan din si Imelda bilang Juke Box Queen ngunit bukod sa kanya, tinagurian din silang tatlo nina Eva Eugenio at Claire Dela Fuente bilang Juke Box Queens noon.
Ngunit sino nga ba talaga ang tunay na Juke Box Queen?
Sagot ni Imelda: “Ako! Sorry, mareng Claire, sorry, Eva, mahal ko kayong lahat. It was given to me, actually, ‘yung juke box queen, for five consecutive years, and then I was elevated to the hall of fame.”