^

Pang Movies

Cristine, nagsalita sa totoong lagay nila ni Marco

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Cristine, nagsalita sa totoong lagay nila ni Marco
Cristine Reyes at Marco Gumabao
STAR/File

Balik-Instagram na ulit si Cristine Reyes kahapon matapos ma-deactivate ang account niya nang ilang araw. At ang unang post niya ay sweet photos nila ng boyfriend na si Marco Gumabao.

Sa caption, the actress wrote, “Wishing you all the best on your special birthday concert, my Love.”

Pinost din niya ang poster ng birthday concert ni Marco na ginanap din kahapon, Aug. 18.

Ito ay bilang sagot na rin marahil sa netizens na nag-isip na hiwalay na sila ni Marco dahil nga nag-deactivate siya ng IG.

Kumalat kasi ang balitang hiwalay na sila sa mismong kaarawan ng aktor last Aug. 14 dahil wala raw si Cristine sa birthday celebration at timing ngang biglang deactivated na ang IG account ng aktres.

Nag-post naman si Marco kinabukasan ng sweet photo nila ni Cristine na kuha mula sa kanyang birthday celebration bilang sagot sa tsismis.

Ngayong nagsalita na rin si Cristine, masaya na ang kanilang fans to know na sila pa rin.

Priscilla, nadukutan habang nagba-vlog!

Nadukutan ng cellphone si Priscilla Meirelles habang nagsa-shopping sa isang mall sa BGC.

Ikinuwento ng dating beauty queen sa kanyang Facebook Live ang pangyayari. Aniya, habang nagba-vlog daw siya sa mall ay nabuksan ng mga mandurukot ang kanyang bag at nakuha ang kanyang cellphone.

Aniya, nang bumalik siya sa Pilipinas ay winarningan na raw siya ng friends niya na maraming scammers sa BGC.

Pero dahil nasa loob naman daw siya ng supermarket ay naging kampante siya dahil akala niya ay mga disenteng shoppers lamang ang naroroon.

Magaling na grupo raw ng pickpocketers ang bumiktima sa kanya dahil naka-lock na raw ang bag niya ay nagawa pang buksan at ang bilis daw kumilos dahil nawala raw agad ang mga ito.

Kaagad na pumunta sa pulisya ang estranged wife ni John Estrada para magreklamo.

Post niya, “Would like to give a huge shout out Sa BGC PNP team and Sr. PMAJ Judge Rowe Donato for all the help and assistance they gave me last night regarding the pickpocket incident inside MarketPlace Grocery Uptown mall in BGC.

“I’m impressed with their readiness and professionalism. Also want to shout out to the Security Team ng Megaworld/Uptownmall BGC Operation Center JSL for going above and beyond trying to help even though the incident happened inside the premises of their tenant/ a third-party and they have no access to the third-party CCTV footage.

“Will wait for further advice and updates from BGC police department and uptown mall security regarding the identification of pickpockets. The goal is to catch them.”

Bumalik ng bansa si Priscilla last Aug. 8 mula sa pagbabakasyon sa kanyang hometown sa Brazil. Habang wala siya ay pumutok ang balitang hiwalay na sila ng mister na si John at kinumpirma naman ito ng aktor sa pamamagitan ng isang statement sa IG.

Ayon kay John ay napag-usapan daw nila ni Priscilla na maghiwalay muna pero sinagot naman ito former beauty queen at sinabing hindi raw totoong mutual decision ang separation.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with