MANILA, Philippines — Isa si Dolly de Leon sa jurors sa katatapos lang ng Cinemalaya.
Pagkatapos nito ay bumalik siya ng Amerika para sa iba pang projects na ginagawa niya roon.
Tuwang-tuwa at proud ang ilang kaibigan ko sa Amerika nang nag-premiere ang pelikulang Jackpot sa Amazon Prime.
Bida sa pelikulang ito sina John Cena at Awkwafina. Pero mahalaga raw ang role ni Dolly.
Talagang namamayagpag daw ang career ni Dolly sa Hollywood. Kaya malaki ang tsansang mabigyan din ng career ang ilan sa mga magagaling nating artista.
Patuloy lang sa pag-audition sa possible projects doon, baka makasuwerte.
Mark, gustong tulungan ang mga kababayan!
Proud si Mark Bautista sa talents ng mga kababayan niya sa Cagayan de Oro, kaya may binabalak pala siyang i-promote na talents ng mga taga-CDO.
“Gusto ko mag-promote naman ng talents sa Cagayan de Oro. Dun kasi ako galing. So parang gusto ko magtayo ng Arts Center. Gusto ko mag-cultivate ng bagong talents.
“Gusto ko i-recognize ang mga talents from CDO. Gusto ko gumawa ng malaking concert na may mga talents na nagkaroon ng pangalan dito sa Manila, and gusto ko naman i-showcase sa Cagayan de Oro. Para ma-inspire ‘yung mga youth na parang puwede ka palang mag-succeed kahit saang sulok ka ng Pilipinas. Kung maging hardworking ka lang and puwedeng matupad ‘yung pangarap mo kahit galing ka lang sa simpleng pamumuhay,” saad ng male balladeer nang nakatsikahan namin sa DZRH kamakailan lang.
Nagpo-promote si Mark ng 20th anniversary concert niyang Mark My Dreams na gaganapin sa The Theatre at Solaire sa Aug. 31.
Isa raw ito sa dreams niyang makilala ang iba pang magagaling na artists na kababayan niya.
Ilan sa mga sikat na taga-CDO ay sina Arthur Nery na guest niya sa kanyang concert, Maymay Entrata, ang bandang Aegis, TJ Monterde at si Pia Wurtzbach. “Hindi nga alam ng ilang taga-Cagayan mismo na marami palang talents na inspiring from CDO. Maganda ‘yung parang magkaroon ng malaking concert to boost also Tourism sa Cagayan de Oro and also to inspire the new generation from CDO na ‘uy puwede pala,’” saad pa ng singer.
Natawa na lang siya minsan kapag nilalapitan daw siya ng ibang baguhang singers at nagpapatulong sa kanya para sa kanilang singing career.
“Alam mo minsan maraming lumalapit sa akin na parang ‘uy puwede ba ako magpatulong?’ Especially nung recently nagpunta ako ng States, nag-show ako dun. Ang daming talents na Filipinos sa States. ‘Yung mga nagpo-front act. Tapos sabi nila kung uuwi raw sila ng Pilipinas gusto nila ako i-contact para ipakilala ko sila sa mga kakilala ko dito, na puwedeng i-manage or something. And meron din sa Cagayan de Oro na musician na gusto ring pumunta dito,” sabi pa ni Mark.
“Alam mo, possible din pala talaga ang mga ganun, na parang nakapag-establish ka ng career dito sa Manila, darating ‘yung point na parang maraming gustong magpatulong o maisip mo na parang gusto mo ring tumulong ng iba-ibang talents. Parang ganun,” napapangiti niyang pahayag.