Daming naloka in a funny way sa isang Instagram story ni Heart Evangelista kung saan ipinasuot niya sa favorite dog niyang si Panda Ongpauco Escudero ang Serpenti Viper necklace in 18 kt white gold, set with full pavé diamonds na ang estimated cost pala ay P11 million.
Aniya sa caption : “Heiress.”
Parang same necklace ‘yun sa suot ni Pia Wurtzbach sa kanyang post bilang Bulgari’s newest ambassador.
Habang si Heart sa kanyang alaga ang nagsusuot.
Wow, buti pa si Panda.
P5M galing kay Singson,
may request sa pamilya
Caloy, mahigit P100 million na ang ‘reward’?
Parang lalampas pa sa P100 million ang incentives na makukuha ng double olympic medalist na si Carlos Yulo.
Ang daming may OPM (oh promise me) bukod pa sa condo, brand new luxury car, at kung anu-ano pa.
Pero ang tiyak na hindi promise ay ang sinabi ni former Ilocos Governor Chavit Singson na magbibigay siya ng limang milyon. Pero ang agreement, dapat hindi lang si Carlos ang tatanggap, dapat kasama ang kanyang pamilya.
Para kay Mr. Singson, ang pamilya ang pundasyon ng tagumpay ng isang tao.
Umaasa raw siya na magbibigay rin ito ng inspirasyon sa iba pang mga pamilya na pahalagahan ang kanilang pagkakaisa at suportahan ang isa’t isa sa parehong tagumpay at hamon.
Ely, buhay na alamat na
Isang buhay na alamat si Ely Buendia sa napakaraming Pilipino na lumaking nakikinig sa Original Pilipino Music (OPM). Kaya tiyak na marami na ang excited sa solo concert ngayong September ng rock icon and former Eraserheads frontman kung saan ipaparinig niya ang kanyang greatest hits live on Sept. 14 at the Newport Performing Arts Theater.
Ang one-night solo concert, directed by Jamie Wilson, will feature tracks from his Eraserhead days just how fans remember, as well as more recent hits.
Kilala si Ely bilang frontman for numerous influential alternative bands in the country including Eraserheads, the four-piece that was likened to the Beatles in the 1990s, which produced phenomenal tracks such as Pare Ko, Toyang, Tindahan ni Aling Nena, Ligaya, Kailan, Magasin, Alapaap, With a Smile, and Huling El Bimbo.
Matapos makipaghiwalay sa Eraserheads, ipinagpatuloy niya ang kanyang musical journey bilang frontman of rock band Pupil, rock supergroup The Oktaves, and soul outfit Apartel.
Sa mga nakalipas na taon, si Ely ay nagkaroon ng mga solo concert na ginanap sa Newport Performing Arts Theater stage, na nagtampok sa cast ng Ang Huling El Bimbo The Musical, the most watched musical in the history of Philippine theater.
Catch Pinoy rock icon Ely Buendia performing his greatest hits live at Newport World Resorts. Tickets are now available at all TicketWorld outlets: P8,800 (PLATINUM), P7,800 (SVIP), P6,500 (VIP), P4,000 (GOLD), P2,500 (SILVER), and P1,500 (BRONZE). For inquiries, contact James Edward Rodriguez at 0917 829 2173, Paulo San Jose at 0917 810 5031, Raf Sangco at 0917 807 9387, and JhayR dela Cruz at 0917 818 9847.
Gladys, in-appoint ng Malacañang
Member na rin si Gladys Reyes ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Sa kanyang post ay nag-oathtaking na rin ang actress. “It’s an honor to be appointed by the Office of the President as Member of the Appeals Committee of MTRCB, representing TV industry. Oathtaking officiated by the Executive Secretary of the Phils. Honorable Lucas Bersamin.”
Hinirang din na bagong board member ng MTRCB si Glenn Patricio na isa sa mga pinakabatang appointees ng Marcos Administration.
Nanumpa sa tungkulin si Mr. Patricio last July 22, 2024 sa harap ni MTRCB Chairwoman Lala Sotto-Antonio.
Bago ang kanyang appointment, isang successful businessman siya. Ang kanyang background bilang isang administrative consultant sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nagbigay rin sa kanya ng napakahalagang karanasan sa pag-navigate sa complexities of government operations and public service.
“I am incredibly grateful for the trust and support they placed on me. It is a great privilege to be part of this team, and I am committed to contributing towards our shared goals of excellence of programming in TV and cinema, and the Philippine media as a whole,” aniya.
My love nina Kim at Paulo, totodohan ang kilig
Mataas ang expectation sa My Love Will Make You Disappear nina Kim Chiu and Paulo Avelino. Lalo na at top trending at pinag-usapan ang espesyal na announcement nila tungkol sa unang pelikula na kanilang pagsasamahan sa ilalim ng ABS-CBN Star Cinema na romance-comedy film.
“Dahil nadala na namin kayo sa TV, sa tour, ngayon sasabihin na namin, may isang malaking regalo kami ni Paulo sa inyo kasama ang Star Cinema ang My Love Will Make You Disappear,” sabi ni Kim sa announcement sa It’s Showtime noong Lunes (Agosto 12).
Ibinahagi ng direktor ng pelikula na si Chad Vidanes na kakaiba umanong romcom ang naturang pelikula at ipapakita kung paano tayo nagiging “wild and fun” dahil sa magic of love.
“Pre-pandemic pa ata ‘yung huli tayong nagkaroon ng true blue romcom from Star Cinema. Kaya ngayong taon, magiging part tayo [nito]. Nakaka-excite dahil sa inyo,” sabi naman ng direktor na si Chad Vidanes.
Kakaiba raw na KimPau nga ang dapat abangan matapos silang magtambal at minahal ng publiko sa hit series na Linlang at What’s Wrong With Secretary Kim. Ito rin ang nagsisilbing pagbabalik nina Kim at Paulo sa ABS-CBN Films pagkatapos ng apat na taon.
Joshlia, naka-P20.5M sa unang araw
Maganda ang ‘balikan’ nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa takilya dahil agad na nakapagtala ang kanilang pelikulang Un/Happy for You ng P20.5 milyon sa unang araw nito sa mga sinehan sa buong bansa, kaya ito ang pinakamalaking opening gross ng isang local movie ngayong 2024.
Palabas na sa mahigit 250 na sinehan sa buong bansa ang Un/Happy For You na agad naging trending topic. Nagsimula na rin ang ibang netizens na magbahagi ng kanilang positibong feedback tungkol sa pelikula online.
“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat—sa fans, sa family namin na andito, sa friends namin, sa bosses thank you, sa Star Cinema salamat sa pagtitiwala sa amin ni Julia. Sa Viva Films of course at sa buong team ng Un/happy For You,” ani Joshua bago magsimula ang film screening nito days ago.
Samantala, ‘overwhelmed’ naman si Julia sa pagmamahal at suporta ng kanilang loyal fans.
“Sobrang nakaka-overwhelm ‘yung suporta na pinapakita n’yo. Sobrang nagpapasalamat kami sa lahat ng efforts niyo. Sana po magustuhan n’yo siya [Un/Happy For You],” sabi ni Julia.