^

Pang Movies

Jodi, may bagong alaga

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Ang teenage son ng aktres na si Jodi Sta. Maria na si Thirdy ang kanyang travel buddy sa abroad pero ngayong isa na itong binata ay binibigyan na ito ng space ng actress dahil baka may iba nang bagay ang gusto nitong gawin sa halip na siya ang kasama lalupa’t meron na itong girlfriend ngayon.

Dalawa ang kinikilalang ina ni Thirdy, ang kanyang biological mom na si Jodi at si Iwa Moto, ang longtime partner ng kanyang amang si Pampi Lacson.

Kakaiba ang closeness nina Jodi at Iwa gayundin ang mga bata. Kahit nung mag-graduate ng high school si Thirdy ay present ang kanyang parents maging si Iwa at kanyang half-siblings.

Marami ang hanga sa kakaibang relasyon meron sa pamilya ng kanyang ex-husband na si Pampi laluna sa present partner nitong si Iwa at dalawa nilang anak na super close rin sa aktres.

Low-key lamang ang relasyon ni Jodi sa nobyo nitong si Raymart Santiago na ex-husband naman ni Claudine Barretto. Kahit matagal na rin sila, bihira silang makitang magkasama sa labas at hindi rin ito nakikialam sa magandang relasyon ni Jodi at anak nitong si Thirdy sa pamilya ng kanyang ex-husband.

Speaking of Jodi, nag-uwi ito ng isang cute puppy na kanyang tinawag na Zandro o Z na kanyang nakita sa location taping nila ng kanyang bagong serye, ang Lavender Fields.

Naawa si Jodi sa pakalat-kalat lamang na puppy kaya ito’y inuwi na niya habang ang isa ay inuwi naman ni Direk Manny Palo.

Nung nakaraang January 2024 ay nag-uwi rin ng pusa si Jodi na nakita niyang gutom at pagala-gala sa labas ng NAIA 1 kaya ito’y kanyang pinangalanang Naia (pronounced as Naya) at kasama na sa kanyang mga alagang mga pusa at aso sa kanyang bahay. Sa kabila ng pagiging busy ni Jodi sa kanyang trabaho bilang aktres, she is a hands-on fur parent.

Naglabas ng hinaing...

Pinarangalan ni President Bongbong Marcos at ng First Family ang mga atletang sumabak sa 2024 Paris Summer Olympics na pinangunahan ng two-time gold Olympics medalists na si Carlos Yulo at ang dalawang bronze medalists na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas.

Bukod sa P20M ay tumanggap din si Carlos ng Presidential Medal of Merit habang may tig-P2M naman sina Villegas at Petecio at tig-P1M ang bawat isa ng mga Filipino Olympian habang P500,000 naman sa mga coach.

Hiningi rin ni Pangulong Marcos ang hinaing ng mga atleta na hindi nabibigyan ng tamang suporta mula sa pamahalaan.

Matapos ipamigay ang mga cash incentives ay pinangunahan ng First Family ang welcome dinner sa Malacañang.

Hilda, tuloy na ang uwi sa ‘Pinas

Nakatakda umanong bumalik ng Pilipinas sa buwang ito ng Agosto ang L.A.-based actress na si Hilda Koronel dahil meron raw itong gagawing TV series at pelikula.

Marami ang matutuwa sa pagiging aktibong muli ito sa showbiz na kinu-consider na isa sa pinakamagaling sa kanyang henerasyon.

Si Hilda ang pinarangalan ng kauna-unahang Manila International Film Festival bilang recipient ng Lifetime Achievement award na susundan naman nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa ikalawang taon ng MIFF na ang awards night ay gaganapin sa Beverly Hilton in Beverly Hills.

JODI STA. MARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with