MANILA, Philippines — Sapaw lahat ni Carlos Yulo.
Lalo na at madrama ang mga nagaganap sa kanya sa kasalukuyan.
Hati ang opinyon ng karamihan na hindi nakita sa pagsalubong sa kanya ang mga magulang at maging sa parangal na binigay sa kanya at sa ibang atletang Pinoy na lumaban sa Paris Olympics sa Malacañang noong Martes.
Ganundin sa welcome party na ginanap sa Newport World Resorts pagkatapos nilang manggaling sa Malacañang.
Wala rin ang mga ito sa turnover ng bonggang condo unit sa kanya – worth P32 million daw – at maging sa ginanap na parade kahapon.
Habang ang iba naman ay natuwa na ‘di gaanong umeepal ang girlfriend na si Chloe San Jose na celebrity status na sa kasalukuyan.
Na sinagot ang intriga kay Carlos at sa Sports Occupational Therapist na si Hazel Calawod. “Wag kayong issue, kung ano ano na lang talaga no. me and coach Lyn Hazel (loafie) are good good friends ”
Edited na ang nasabing caption at tinanggal na niya (Chloe) ang comparison nila ng age ng nasabing occupational therapist.
Nag-aral pala si Chloe ng nursing at kasalukuyang kumukuha ng kursong psychological science.
Panay nga ang comment ng ibang netizens na mas match daw sina Caloy at Hazel dahil mas parang pormal daw ito. At higit sa lahat ito raw pala ang rason kaya naka-gold si Caloy.
Pretty and sexy si Ms. Hazel kaya naman mabilis itong naging popular sa social media platforms.
Sa isa nga niyang post ay nagpasalamat siya. “Grateful for the outpouring of love and support from my friends, family, and kababayans. Your kind messages have been a true blessing. Sharing with you here an interview with ABS-CBN on what the training looks like before the Olympic stage.”
Anyway, at the end of the day, marami pa rin ang hurt sa nangyari kay Carlos Yulo at sa kanyang mga magulang.
Kahit anong galit mo raw sa magulang, hindi mo na lang naisip na kundi dahil sa kanila, hindi siya magiging tao at magiging olympic medalist.
Kaya maraming naaliw sa post ni Edu Manzano na art card : “My wife and I have decided not to have children. We will be telling them tonight at dinner” kalakip ang caption nitong “A painful decision but a decision just the same!”
Hahaha. Funny.
Anyway, maraming nanonood ng grand homecoming parade sa Pinoy Olympians na Salamat at Saludo sa Atletang Pilipino kahapon.
Naalala raw nila ang Parade of Stars sa tuwing may Metro Manila Film Festival. Andami raw tao sa Roxas Boulevard.
Joshua, nahiya sa ginawa ni Julia
Kabilang sa nag-showing na pelikula kahapon ang Un/happy For You.
As of this writing, pumi-pick up ito sa takilya. Sa mga sinehan sa SM North EDSA ay maraming nanonood.
Sana raw ay ma-sustain. Worried ang fans nina Joshua Garcia and Julia Barretto dahil wala pa talagang local film na masasabing box office hit pagkatapos ng mga pinalabas sa Metro Manila Film Festival.
Anyway, kuwento ni Joshua na grabe raw ang paghimay ng script ni Julia sa pelikula.
“Gusto ko kung pa’no siya ngayon the way kung pa’no niya himayin ‘yung script. As in, parang ako ‘yung nahihiya sa set. Pagka parang, shit grabe naman himayin ni Julia ‘yung script niya. Makikita mo talaga may mga notes siya doon sa script niya.
“Ako ‘yung nahihiya. Sabi ko, sige gawin ko nga rin ‘yan. Nakita ako sa room ko, gumagawa ako kunwari ng ganyan. Wala namang nangyari. Kidding aside, na-proud ako. Na-proud ako sa kanya kung paano niya itrato ‘yung trabaho ngayon. Well, before sobrang respeto rin naman niya. Pero iba na ‘yung atake namin ngayon sa work eh. Mas detalyado na kami. Even ‘yung mga lines, hindi siya basta binabato eh. Ibang-iba na. And I’m proud of you,” mga papuri ni Joshua sa ex-girlfriend sa ginanap na presscon nito.
Blooms, protektado ang BINI
Massive ang popularity ng BINI hanggang ibang bansa.
In all fairness, dinudumog sila base sa mga naglalabasang mga video.
Kasalukuyan silang may tour sa Canada.
Kaya naman todo na ang pakiusap nilang igalang naman ang kanilang personal na time and space.
Tweet (X now) BINI Aiah, “Thank you to all the blooms who are very respectful with our space and had asked nicely for a photo, the best kayo
“We genuinely care for and appreciate everyone who support us. However, at the end of the day, tao lang din kami and need din namin ng personal time and space para makapag recharge. Recharged bini girlies = renewed energy and positive spirit that can radiate to everyone else.”
Hanggang sa hotel room daw kasi ng grupo ay may mga kumakatok para magpa-picture.
Pero ang tanong ng fans, paano nalaman ng fans kung anong hotel sila naka-check in at nakaakyat sa hotel room ng mga artist?
Naka-check in din daw kaya ang mga fans na gustong magpa-picture sa kanila?
Kaya ang apela ng Blooms, tawag sa fans ng BINI, #ProtectYourArtists na nagti-trending kahapon.