^

Pang Movies

Nora, pinipilit na lang lumabas!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nora, pinipilit na lang lumabas!
Nora

Sa totoo lang parang hindi na dapat pang pilitin si Nora Aunor na dumalo sa mga event at isipin naman ng mga nag-iimbita ang lagay ng kanyang kalusugan.

Halata mong mahinang-mahina na ang kanyang katawan nang dumating sa showing ng luma niyang pelikula sa Cinemalaya, ang Bona.

 Aminado naman silang masama nga ang kanyang pakiramdam kaya nga nakayuko na lang siya habang sakay ng isang wheelchair at noong pilitin siyang tumayo at maglakad papasok sa sine, halata mong halos buhat siya ng dalawang malaking lalaking umaalalay sa kanya.  

Totoong kasiyahan nga iyon ng ilan niyang fans na nanood din ng lumang pelikula pero mas dapat binigyan nila ng priority ang kalusugan at kalagayan ni Nora. Sa halip na makapagpahinga pa siya, pinilit pa nilang dalhin sa sinehan.

Sa kalagayan ni Nora ngayon, dapat sustentuhan na lang siya at pagpahingahin na lubhang kailangan ng kanyang katawan.

Dating taga-That’s… Nini Jacinto, nagparamdam

Natutuwa naman kami at kahit na papaano ay mukhang mas maayos at tahimik ang buhay ngayon ni Nini Jacinto. Nakilala namin siya bago pa siya tinawag na Nini Jacinto at nagpa-sexy sa mga pelikula noon ng Seiko. Siya si Ellie Rose Apple Zuniga ng Thursday group ng That’s Entertainment.

At inaamin naman naming naging malapit sa amin ang mga miyembro ng Thursday group ng That’s Entertainment may nabuo na kasing barkadahan sa aming mga pagkikita halos araw-araw.

At dahil nga sa naging barkada na namin lahat sila halos may pagkakataon pang pati sa mga show nila sa probinsiya ay nahihila kami. Masaya naman kaya sumasama kami, kasama rin ang isa sa mga secretary noon ni Kuya Germs (German Moreno) na si Chuchi Fajardo.

Nabahala rin kami nang mabalitaan naming nagkakaroon ng problema sa pamilya at gusto man naming tumulong ay wala kaming magagawa.

Tapos matagal na panahon ding hindi namin siya narinig hanggang noong isang araw bigla siyang may message na “hi” lang naman, at tapos noon ay nalaman naming nakaka-move on na pala siya sa kanyang problema na nakakatuwa namang marinig.

Mga akusado sa panghahalay, nagka-anxiety

Isinugod daw sa ospital ang isa sa independent contractors ng GMA 7 na si Richard Dode Cruz matapos na magkaroon ng anxiety attack nung sumalang sa imbestigasyon ng Senado.

Na-focus kasi talaga ang imbestigasyon sa sumbong ni Sandro Muhlach laban sa dalawa. Bagama’t mahigpit nilang itinanggi ang akusasyon ni Sandro at may himig pa ng pasaring na nagsisinungaling lang ang actor mukhang nabigla pa at hindi kumbinsido ang ilang nakarinig sa kanila.

Iginiit din ni Niño Muhlach na nakausap na niya ang dalawang suspects at sa kanilang paghaharap ay humingi pa ng dispensa sa kanya ang mga iyon.

Nauna rito sinabi ng abogado nina Cruz at Nones na nagkaroon na ng takot ang dalawa lalo na nang galit na punitin ni Senador Jinggoy Estrada ang kanilang sulat na nagsasabing hindi sila dadalo sa hea­ring ng senado at agad na hiningi noon na magpalabas ng subpoena.

Ganoon pa man halatang laban sa kanilang kalooban ang pagdalo sa hearing ng senado kaya nga siguro idinadahilan ngayon ng abogado nila na kapwa sila nagkaroon ng anxiety attack, at kinailangan pang dalhin sa ospital si Dode Cruz.

Heart, may sinagot na reklamo kay Chiz

Nag-live pa ang aktres na si Heart Evangelista sa kanyang social media account habang nasa likod niya ang asawang si Senate President Chiz Escudero at ipinaliwanag niyang hindi naman totoong pinababawasan ni Chiz ang mga holiday sa Pilipinas. Marami kasi ang umalma agad nang sabihin ni Chiz na napakaraming holidays sa Pilipinas.

Sinabi nilang hindi naman babawasan ang holidays pero ibig sabihin ay hindi na dadagdagan. Nagrereklamo na rin kasi ang employers sa rami ng kanilang binabayarang holiday pay lalo na sa panahong ito na bagsak ang negosyo at mahirap ang kabuhayan

Totoo naman na napakaraming holidays sa Pilipinas at dapat lang na huwag nang madagdagan.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with