^

Pang Movies

Jennylyn, pineke sa pagpirma ng kontrata!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jennylyn, pineke sa pagpirma ng kontrata!
Jennylyn

Nagkakagulo na naman ang Kapamilya at Kapuso fans dahil sa lumabas na balita sa X (formerly Twitter) na pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN si Jennylyn Mercado. May mga naniwala dahil may larawan ng aktres na may hawak na bouquet of flowers at sa likod, may tarpaulin ng ABS-CBN.

Sa simula, may mga naniwala sa balita at kaya raw ito lumipat sa ABS-CBN dahil walang offer na kontrata sa kanya ang GMA Network. Hanggang sa may magsabing fake ang news pati ang photo ni Jennylyn ay photoshopped.

Saka, naalala ng fans niya, sinabi nito sa laun­ching niya sa Beautederm, mananatili siyang Kapuso, hindi pa nga lang siya nagre-renew ng kontrata. Dapat siguro, mag-renew na siya ng kontrata sa Kapuso network para matigil na ang mga ganitong fake news.

Fake news na nga, nag-aaway-away na ang Kapamilya at Kapuso fans, lalo na siguro kapag naging totoo ang balita. Kapag pumirma nga si Jennylyn sa ABS-CBN, madodoble ang online war ng fans ng dalawang network. Magkakaroon ng kantyawan at pati ang asawa ni Jennylyn na si Dennis Trillo ay madadamay.

Remember, na-involve sa controversy si Dennis dahil kay Jennylyn at binabalik-balikan ‘yun ng fans kapag may mga ganitong isyu. As of today, sa Star Music pa rin may kontrata si Jennylyn.

Claudine, niraket ng kaibigan

Sinagot ni Claudine Barretto ang netizen na nagtanong kung bakit maraming kaaway ang aktres at nag-comment pa na baka siya na ang may problema. Tinawag pang unprofessional ang aktres at sa socmed nag-iingay at papansin daw ito. May payo pa ito sa kanya na dahil tumatanda na siya, hindi maganda na lagi siyang may kaaway.

Sa kanyang sagot, kilala ni Claudine ang nag-comment at nagbigay ng unsolicited advice. Tinawag niya itong si No. 2, at No. 1 naman ang tawag sa taong nanloko sa kanyang fans. Ginamit pa raw ng taong ito ang koneksyon sa NBI at Supreme Court, para siguro hindi mapanagot sa kanyang kasalanan.

Lalo tuloy naintriga ang fans at followers niya sa Instagram kung sino sina No. 1 at No. 2, lalo na si No. 1 na as per Claudine’s kuwento, pinerahan ang fans niya. Nangako yata ng Meet-and-Greet sa aktres na never nangyari at itinakbo ang pera.

Malapit na at papangalan na ni Claudine kung sino ang dati niyang kaibigang ito na nanloko sa Claudi­nians. Tama ang fans, pangalanan dapat niya kung sino siya para hindi napag-iisipan ang iba pa niyang kaibigan. May hinala na kasi ang fans kung sino ang girlash na ito.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with