^

Pang Movies

Bea, pasong-paso sa mga showbiz ex!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi pa rin daw nawawalan ng pag-asa si Bea Alonzo sa pag-ibig kahit nauuwi sa hiwalayan ang mga nagdaang karelasyon niya.“I never lost hope in love. I’ve always been a hopeless romantic, and I still believe there is someone out there for me,” ayon sa bida ng GMA Prime teleserye na Widows’ War.

Ang gusto na raw maka-date ni Bea ay lalaki na hindi taga-showbiz. Mas importante na raw sa kanya ang magkaroon ng privacy sa personal niyang buhay.

“Ayaw ko na ng public na relationship ever again. Pasong-paso na ako. I real­ly learned my lesson the hard way,” diin pa ng aktres.

Bukod sa hindi taga-showbiz, gusto ni Bea na maka-date ang lalaki na “man enough to handle me.

“Someone who will love me unconditionally and someone who will never give up on me,” sey pa ng aktres.

Nitong nakaraang Pebrero nang makumpirma na ang paghihiwalay nina Bea at aktor na si Dominic Roque.

Plano sana nilang magpakasal ngayong taon matapos ma-engage noong July 2023.

Dennis, iba ang method ‘pag nahihirapan sa role

Hindi na raw nahirapan ang GMA resident director na si Dominic Zapata sa pagdirek kay Dennis Trillo sa teleserye na Pulang Araw kung saan gumaganap ang aktor bilang mabagsik na opisyal ng Japanese Imperial Army.

Kilala raw niya ito at ang method nito kapag may role na nakaka-challenge sa pagiging aktor nito. Lalo na raw sa Pulang Araw na kailangan nitong magsalita ng Nihongo sa maraming eksena.

“Working with Dennis for so many years, nakita ko na siya in a variety of roles, kasama na roon ang pagiging kontrabida. Kaya sa Pulang Araw, hindi niya nagawang makipag-bonding muna sa mga kasama niya because he really concentrates on his character. Nasa isang lugar lang siya and kapag take na, he’s really prepared. Magugulat ka na lang sa performance niya,” sey ni Direk Dom.

Ilan sa mga teleseryeng pinagsamahan nina Dennis at Direk Dom ay Twin Hearts, Mulawin, Darna, Super Twins, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Temptation of Wife, My Husband’s Lover, Hiram Na Alaala, Mulawin Vs. Ravena, at Cain At Abel.

Ex-Pussycat Dolls member Nicole Scherzinger, laging bitbit ang pagka-Pinoy

Proud sa kanyang pagiging Pinoy ang former member ng Pussycat Dolls na si Nicole Scherzinger. On TikTok, nag-share ng video ang Fil-American singer habang umaawit siya ng Hush Hush sa isang dinner party.

Sinabi pa ng The Masked Singer judge sa video: “Tell me you’re a Filipino without telling me you’re a Filipino!”

Pinusuan ng maraming Pinoy netizens ang video ni Nicole dahil ramdam nila ang pagiging proud na may dugong Pinoy ito.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with