^

Pang Movies

Claudine, na-scam?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Claudine, na-scam?!
Claudine Barretto

Hanggang sa sinusulat namin ito ay hindi pa nagla-live si Claudine Barretto sa kanyang social media platforms.

Hopia ang ibang followers kung may kinalaman ba ito sa sinasabi niyang ‘ahas.’ O kung totoong na-scam siya.

Aniya sa post kahapon : “But please before we judge since nakapag-salita na sila, ako naman at ‘yung mga nabiktima ang magsasalita. At the end of the day sana po maisip n’yo kung bakit ko kailangan at i-CLEAR ‘yung mga Claudinians ko sa Cebu na tumaya ng malalaking halaga para lang makasama ako sa project at muntik na mailabas ‘yung mga pera po ng mga claudinians ng cebu kung d pa po hinold ‘yung tao na ito,” umpisa niya.

“I will not name this person but d ko rin para i tolerate sya na d na ma contact at d na ibinalik ang pera ng mga claudinians na investors na pinangakuang ibabalik nalang po yung pera. Pero claro po na d nya na balak ibalik yung hard earned money ng mga fans/investors gaya ng napag usapan po namin,” bahagi ng post niya na walang binabanggit na particular na tao.

“Pahabol ko lang po after maisiwalat na namin ng mga fans i will take this post down dahil ayoko na po ng NEGATIVITY AT AWAY. D rin kaya ng konsensya ko na iwanan sa ere at ipaglaban mga fans ko dahil pumasok lang sila at nag labas ng pera para po makasama lang ako. Ayoko na po ng mga away away. ‘Yung TOTOO lang po. Kung may mga gusto i judge ako tatanggapin ko po dahil ako buong buhay ko d ako iniwan ni minsan ng mg claudinians at RYCB at ng mga bagong RYCB N GEN Z.

“Di iba dapat lang ipaglaban ko mga fans ko na naging parang mga kapatid ko na. Inspite of everything that happened lalo namin minahal ang isat isa.wouldn’t u have done the same kung kayo po ang nasa katayuan ko po.dapat ko ba ipaglaban at ipagtanggol mga taong tumaya dahil sa akin o bahala na sil sa buhay nila?sorry po pero d ko po pagkatao yun.maraming salamat sa lahat ng tao na naiintindihan ako t kung saan ako nang gagaling,” bahagi pa ng post niya.

Anyway, wala namang binanggit si Claudine kung sino ang sinasabi niyang ‘ahas’ pero diumano’y BFF niya ‘toh.

Pia Moran, sa bahay ni Katrina paula nakatira

Nasa bansa pala ang dating Miss Body Language na si Pia Moran. Sixty-one years old na siya sa kasalukuyan.

Matagal-tagal na rin pala siyang nasa Amerika. Habang nasa bansa, nakatira siya sa bahay ng former sexy star din na si Katrina Paula.

Kumusta na siya ngayon?

“I’m okay right now, happy,” sabi ni Pia sa isang chance interview.

Nag-comeback ka na sa showbiz? “I hope makapag-comeback din. Meron akong huling ginawa. Iyong papalabas pa lang, ‘yung Lola Magdalena starring Gloria Diaz.  Tungkol ‘yun sa mga lolang pokpok, directed by Joel Lamangan,” sabi niya sa amin.

So anong work mo ngayon? “Wala. Babalik ako sa US.”

So matagal ka sa US? “Oo, 5 months ako sa Pilipinas.”

Sino kasama mo sa US? “Ang sister ko saka mga brother ko.”

Hindi na raw siya nagkaasawa at nagkaanak.

Hanggang ngayon, aniya ay sumasayaw pa rin siya ‘pag may mga special occasion.

Naapektuhan noon ang mukha ni Pia sa isang aksidente.

Sequel ng Vagabond naudlot?!

Kung si Pambansang Kamao Manny Pacquiao ay decided nang kumandidato ulit sa pagka-senador sa 2025, isip-isip naman daw ang ama-amahan nitong si former Ilocos governor Chavit Singson.

Inendorso pala si Mr. Singson ni former president Rodrigo Duterte.

Isip-isip muna raw ang dating pulitiko at negosyante dahil nauna na siyang nagpahayag na wala siyang planong bumalik sa pulitika.

Maraming investment si Manong Chavit sa South Korea kaya madalas siya ngayong pumunta sa bayan ng mga oppa.

Ano kaya ang uunahin ni Mr. Singson, ang pagbalik sa pulitika o ang pagiging co-producer ng Vagabond 2 na pinagbibidahan daw ulit ng business partner niyang si Lee Seung-gi.

Pero obviously, hindi natuloy ang una niyang sinabi sa interview namin na mag-uumpisa ang shooting nila noong May.

Aniya that time : “Ang huling usapan namin, napunta rito ‘yun mga producer, si Lee Seung-gi lagi siyang nagpupunta rito. Sinasama niya ‘yung mga writer, producer, napapagkuwentuhan namin, in fact nagpunta na sila Vigan. ‘Pag natuloy ‘yun, I will announce it formally.

“Gusto kasi nila tuluy-tuloy na ang shoot. Halos isang buwan na yata nilang tinatapos ang istorya. Ganun sa Korea, gusto nila nakalatag na ang kuwento.”

Sayang naman, sana matuloy ang Vagabond 2.

Mukha raw tiyahin...

Habang nagsasaya ang buong Pilipinas sa dalawang gintong medalya ni Carlos Yulo sa gymnastics, abala naman ang iba sa pang-iimbyerna sa jowa niyang si Chloe San Jose.

Very tita raw ni Caloy ang social media influencer dahil sa blonde hair na lagi pa raw nakatakong na sapatos kahit alam naman niyang 4’11 ang height ng double gold medalist na jowa.

I-consider daw sana niya na mas matangkad at mas mukhang maliit si Caloy sa ginagawa niya.

At lalong naloka ang iba sa pictorial nila nung nasa plane na sila.

Nagmukha raw talagang mas mature si Chloe kesa sa karelasyong atleta.

Nasa bansa na ang Team Philippines kaya kagulo rin ang gustong maka-pictorial sa mga nanalo ng medalya sa Paris Olympics.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with