^

Pang Movies

Janine, jowa na si Echo!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Janine, jowa na si Echo!
Janine Gutierrez

Ang bongga naman ng aktor na si Jericho Rosales na umamin na na dating na sila ni Janine Gutierrez.

Nilantad na nga ng ex-hubby ni Kim Jones na may nararamdaman siya sa anak ng beteranang aktres na si Lotlot de Leon. “Amazing person, very sweet, very kind, very funny, and very dedicated, very good actress,” paglalarawan niya raw kay Janine.

Nang tanungin kung dating sila ay diretsahan raw nitong sinabing lumalabas sila.

Malalaman daw ang kahihinatnan ng relasyon nila. Masaya diumano sila at wala raw nega. Ine-enjoy raw niya ang apoy o kung anuman ang nararamdaman niya kasama ang aktres.

Maaalalang na-link si Jericho ilang buwan ang nakalipas sa ex ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo pero mukhang nasapawan siya ng Kapuso actor na si Alden Richards.

Habang si Janine naman ay huling na-link kay Paulo Avelino, na kasalukuyan namang nali-link sa Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Parehong single sina Jericho at Janine kaya malaya sila pareho pero hindi lahat ng fans ay natuwa at sinabing parang tatay na raw ito ni Janine.

Or baka naman sila na, unti-unti lang ang pag-amin lalo na at may ginagawa silang teleserye na sa totoo lang ay hindi ko naman alam ang title. Hahaha. May nag-chika lang nito sa akin. ‘Kaloka me talaga.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with