Biniro si Chiz Escudero ng fans ng wife niyang si Heart Evangelista na may next career na ang senador kapag iniwan na ang politics. Ito ay ang maging personal fotog ni Heart.
Ito ang kanyang photographer sa fashion shoot na ginawa sa kanilang bahay.
Habang hawak nito ang camera at si Heart ay nagpo-pose, itinuro ni Heart kung saan dapat pumuwesto si Chiz. Pinost ni Heart ang reel ng behind-the-scenes footage na kinaaliwan ng followers/fans niya.
Sa pagtatapos ng reel, hinalikan ni Heart sa cheek ang asawa bilang pasasalamat at nag-comment ng “That was made with love. Can’t wait to show you the pics.”
Ang photo shoot ay para sa Louis Vuitton Fall/Winter 2024 at marami na ang excited mapanood ang photos na kuha niya as promised by Heart.
And speaking of Heart, pati siya inaway dahil sa holidays na gusto raw bawasan ng mister na Senate Presidente, but it turned out, hindi naman pala babawasan ang gusto ng senador. Ang suggestion nito ay ‘wag nang dagdagan ang holidays ng bansa. Totoo naman na dahil sa rami ng holidays sa bansa, naaapektuhan ang pag-aaral ng mga bata.
Sabi pa ng pulitiko, kaya nalampasan ang pagiging competitive ng bansa at nalampasan tayo ng India pagdating sa BPO ay dahil sa rami ng holidays.
Ipinaliwanag niya kay Heart ang isyu, kaya nag-post si Heart ng “FAKE NEWS HINDI BABAWASAN Ang holidays. Di lang dadagdagan.”
Sen. Bong, mas naniwala kay Sandro
Nakatrabaho ni Sen. Bong Revilla si Jojo Nones sa action series niya sa GMA 7 na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, as writer. Pero hindi naman siguro ikagagalit ni Jojo kung mas naniniwala ang senador sa kuwento ni Sandro Muhlach kesa sa kanila ni Richard Cruz.
Magkakaroon daw ng Book 3 ang action series ni Bong sa December at nakalulungkot man, hindi na siguro niya kukunin si Jojo na maging part ng creative ng series. Lalo na kung kasama pa rin sa cast si Niño Muhlach na ama ni Sandro.
Alden, nakipagkita sa Hollywood actor!
Mababasa sa kanyang Instagram ang announcement ni Alden Richards na ikina-proud ng kanyang fans.
“Thrilled to co-produce a film that brings together talents from the Philippines, US, Europe, Australia and Japan. Can’t wait to unveil this journey with the world! #DeathMarch.”
Ang pelikulang binabanggit niya na co-produced ng Myriad Entertainment ay ang Death March na bida ang Hollywood actor na si Scott Adkins. Kasama rin sa cast si Gabbi Garcia at sa direction ni Louis Mandylor na sa Pilipinas ang shooting ng pelikula.
Of course, nangyari ang pagkikita nina Alden at iba pang involved sa Death March bago siya lumipad pa-Canada para sa shooting ng Hello, Love, Again nila ni Kathryn Bernardo.