^

Pang Movies

Karla Estrada, papalitan na ni Korina sa face-to-face?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Karla Estrada, papalitan na ni Korina sa face-to-face?!
Karla Estrada

Nakakuha kami ng balitang aalis na raw si Karla Estrada bilang host ng talk show na Face to Face sa TV5.

Si Karla ang unang host ng programa mula nang i-revive ito na si Amy Perez ang original host.

Ang balita namin, tatakbong mayor sa isang probinsiya sa Leyte si Karla.

Ang makakapalit daw niya ay si Korina Sanchez kung tatanggapin ang programa.

Wait na lang tayo sa developments ng balitang ito.

Marian, bongga ang 40th

Bonggang 40th birthday gift ang natanggap ni Marian Rivera a day before her birthday.

Nagwagi si Yan bilang best actress sa katatapos na Cinemalaya XX nung Sunday para sa movie niyang Balota. Present sa awards night ang asawang si Dingdong Dantes at matamis ang halik ang ibinigay sa asawa.

Isa sa inalayan ni Marian ng award ang director niyang si Kip Oebanda na hindi napalunan ng best director award.

Bukod sa unang Cinemalaya acting award, ang Balota ay isa rin sa top earners ng indiefest, huh! Patunay lang na malakas ang hatak ni Yan sa publiko mainstream man o indie ang kanyang movie!

Congratulations, Marian and happy 40th birthday!

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with