^

Pang Movies

KimPau movie, may playdate na agad!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
KimPau movie, may playdate na agad!
Paulo Avelino at Kim Chiu

May playdate na ang movie na pagtatambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu at sa title pa lang na My Love Will Make You Disappear, kinikilig na ang KimPau fans. Sa direction ni Chad Vidanes, sa October 2, 2024 na ang showing ng movie.

Malaki-laki ang iipunin ng KimPau fans dahil karamihan sa kanila o lahat ng kasama sa community nila ay hindi lang daw isang beses mano­nood.

Ang ABS-CBN Studios at Star Cinema ang producer ng pelikula na isusunod sa showing ng movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia na UnHappy For You. Hindi maiiwasang magkaroon nang pagkukumpara sa box-office result ng dalawang pelikula.

Hindi rin naman patatalo ang fans nina Julia at Joshua, kaya hintayin na lang natin ang box office gross ng two movies.

Masaya ang KimPau fans dahil sunud-sunod na good news ang dumarating sa kanila. Kasama rito ang pagpa-follow nina Kim at LJ Reyes sa isa’t isa sa Instagram at kasunod agad ang playdate ng movie ng favorite love team nila.

Kaya tama ang payo ng kapwa nila fan na ‘wag nang maki pag-away sa ibang fans, ‘wag nang patulan ang mga mamba-bash kina Kim at Paulo para good vibes lang. ‘Wag daw haluan ng negativity ang good news sa dalawa. Kasi naman, may ibang KimPau fans na pati si Marian Rivera inaaway dahil sa Primetime title ni Marian.

John, tameme sa kanila ng misis

Naka-off pa rin ang comment box ng Instagram ni John Estrada, kaya kahit siguro marami ang gustong mag-comment sa post niya kasama ang mga anak na sina Kaila Estrada at Anechka Estrada, walang nakapag-comment.

Nasa restaurant sa mall sila at sa caption ay sinabi kung bakit wala ang iba pa niyang mga anak kay Janice de Belen. “With my LOVES. Minus my 2 eldest daughters, inah and moira, busy sila.”

Sa iba pang photos, kasama nila si Yuan, ang lalake nilang anak ni Janice at mom yata ni John at iba pa.Wala ang wifey ni John na si Priscilla Meirelles na nakabalik na nga sa bansa mula sa matagal-tagal ding bakasyon sa Brazil.

Maalaalang naging controversial sina John at Priscilla a few weeks ago dahil may TikTok video na nakita si John sa Boracay with a girl na pinangalanan ni Priscilla.

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with