Di nakita ng ibang fans kung nakiramay si William Martinez sa pamilya ni Mother Lily Monteverde na nailibing na kahapon?
Ba’t kahit daw si Albert Martinez, parang ‘di dumalaw sa Regal Matriach?
Or baka umaga sila dumalaw kaya ‘di nakunan ng mga reporter?
Anyway, ang balita ay kawawa diumano ang kalagayan ni William sa kasalukuyan.
Wala na diumano itong kasama sa bahay at wala ring trabaho. At ang masakit pa raw, ni hindi na diumano ito dinadalaw sa nirerentahan niyang bahay sa may Cainta na naapektuhan noong nakaraang pagbaha ng ex-wife niyang si Yayo Aguila o kahit diumano ng mga anak nito.
Kahit daw actually ang kapatid nitong si Albert ay parang hindi na rin naalala ng kapatid. “Nakakaawa siya, sana naman maalala siya ng mga anak niya,” ayon sa isang taga-Cainta rin.