Biglang natahimik ang kontrobersya sa mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles. Kung kailan naman nakabalik na si Priscilla sa Pilipinas.
Yup, may post nga itong nasa bansa na ulit siya pagkatapos ng bakasyon sa Brazil.
“Glad to be back #selfie #philippines #home,” aniya.
Ang recent post ng aktor, ang ex deal sa steam cell.
Si Priscilla naman ay nakitang may dinaluhang party na ang isa sa mga kasama ay si Vina Morales.
Claudine tumangging sagutin ang mang-aahas
May lupus pala ang mommy nila Claudine Barretto.
Mismong si Claudine ang nagbanggit tungkol dito. Matagal na raw ito ayon sa actress sa super quick chikahan namin sa wake ni Mother Lily Monteverde noong Biyernes ng gabi.
At kakalabas lang daw nito sa hospital, matapos ang matagal-tagal na confinement.
Madalas daw siyang mag-alaga sa Mommy Inday niya.
Pero ang ayaw sagutin ni Claudine ay ang tungkol sa post niyang may mang-aahas kamakailan.
Isang art card nga na may imahe ng ahas ang ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account na may nakasulat na “people who stay friends with your abusers aren’t your friends. Knowing what the abuser did to you and yet choosing to maintain a bond with them is a clear sign of lack of loyalty.”
Rohn Angeles, may pramis kay Piolo
Slowly but surely ang takbo ng career ng actor na si Rohn Angeles. Ayos ang exposure niya sa Pamilya Sagrado at napapansin na lalo pa at siya ang kauna-unahang talent ng Mentorque Production na pinamumunuan ni Mr. Bryan Dy.
At isa sa naging malapit niyang kaibigan sa showbiz, si Piolo Pascual na bida sa Pamilya Sagrado.
Bilang isang Piolo Pascual, anong mga advice ang nabanggit na sa kanya ng award-winning actor? “Some advices from him sabi niya, wish niya sa akin, sana tumagal daw ako sa industry. Kung gaano raw siya katagal. Sabi ko, tingnan natin. Ang sabi ko pa nga sa kanya, nung na-nominate rin po ako sa parang New Movie Actor of the Year, nag-promise ako sa kanya sabi ko, ‘sige tol ‘pag nakakuha ako ng first award ko ikaw una kong pasasalamatan.’ Kaya ang nangyari siya po ‘yung ano... nauna na nagka-award sa’kin. Sabi ko, talaga ba? Sabi ko, sa mga susunod,” na ang tinutukoy niya ay nang pasalamatan siya ni Piolo nung manalo itong Best Actor for Mallari sa 7th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na ginanap last July 7.
Anyway, five years ago nang maging isa siya sa mga bida ng pelikulang Fuccbois with Kokoy de Santos and Royce Cabrrera. “Yeah, kay Direk Eduardo Roy po. Actually, nakita ko lang din sa phone ko kanina na lumabas ‘yung memories ng 5 years ago. So, sobrang bilis po ng panahon. Ayun po ‘yung time na nag-start pa lang din po ako and si Direk Edong po ang unang nagtiwala sa akin.
“Before din po si Direk Edong ang manager ko eh. Ayun po ang wish ko lang sana siguro po next year or ‘di ko alam kung kelan pero gusto ko pong makabalik.”
Actually, may gagawin na raw siya pero aniya ay hindi pa pwedeng banggitin.
“Gusto ko pong i-consider na it’s an early birthday gift for me kasi birthday ko po ngayon, this August. August 12 po ako eh. So, hindi ko pa ma-put into details ‘yung about dun sa gagawin namin pero sobrang excited po ako and I can’t believe nangyayari sa akin to. Kumbaga nagtitiwala lang din po ako sa management especially sa manager ko, kay Sir Bryan. And sabi niya naman, hindi naman daw niya ibibigay ‘yung mga ganung opportunity kung hindi ko raw po kaya pero to be honest sobrang kabado po ako pero sa line of work naman namin, kailangan flexible ka and kaya mong gawin lahat ng mga bagay para sa craft na ginagawa mo,” na ang hula nila ay isang BL (boys’ love) movie.
Aside from Piolo, sino pa ang gusto mong makatrabaho?
“Personally po, sila Tito Joel (Torre), sila Tito Tirso Cruz kasi nakasama ko po sila sa Pamilya Sagrado. Parang iba po kasi ‘yung work ethics nila. Kapag trabaho, trabaho.”
Pagdating sa aktres, “Siguro po kung mangangarap lang din ako tataasan ko na. Syempre si Kath, Kathryn Bernardo po. Isa sa mga gusto kong maka-work soon. ‘Yun po ‘yung.. hindi naman sa dream ko pero ilang taon ko na po siyang napapanood. Actually, kapag may film sila ni DJ (Daniel Padilla) pinapanood ko ‘yung connections nila, pa’no umarte. So sobra po akong naa-amaze sa kanila,” aniya pa sa aming chance interview last week.
Balota ni Marian, box office!
Dahil na rin sa sunud-sunod na sold-out screenings, isa sa mga certified Box-Office performers ng Cinemalaya 2024 ang pelikulang Balota na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Nitong Biyernes ay nadagdagan ng schedule ang nasabing pelikula mula sa GMA Pictures at GMA Entertainment: mapapanood ito sa Ayala Malls Manila Bay Cinema 9, 11 a.m. at 2:30 p.m., mula Aug. 10 to 11. Dumagdag sa excitement ng mga manonood ang reviews nina award-winning actor John Arcilla at National Artist Ricky Lee matapos mapanood ang pelikula sa gala night nito noong Linggo.
Ani John: “Brave, Fearless, and Relevant… Balota is a must-see [movie]. Marian’s commitment to her work in this film is A-Grade.”
“Raw, powerful and brave. Compelling performance from Marian. Heavy pero highly entertaining. Sana mapanood pa ito ng mas marami,” pahayag naman ng award-winning Filipino screenwriter at journalist na si Ricky Lee.
Ibinahagi rin ng direktor at writer ng Balota na si Kip Oebanda noong Gala screening na mayroon silang pasabog na kailangang abangan. Ano kaya ito? Exciting!