^

Pang Movies

Jeremiah Lisbo, inilahad kung paano nagsimula

Pang-masa

Makakapanayam ni ABS-CBN reporter Job Manahan ang Kapamilya heartthrob na si Jeremiah Lisbo para mas kilalanin ang aktor na unti-unting gumagawa ng sariling marka sa mundo ng showbiz sa Tao Po ngayong Agosto 11, 6:30 p.m.

Ani Jeremiah, wala siyang planong maging artista dahil graduate siya ng HRM at mahilig magluto, ngunit tila iba ang nakatakdang plano sa kanya ng buhay dahil nakatanggap siya ng modeling at acting offers.

“Meron akong offer na mag-model sa Malaysia at Singapore. Bigla rin nag-offer ‘yung He’s Into Her. Tinanggap ko na siya kasi nasa bansa natin eh,” he said.

Ikinuwento rin ng Pamilya Sagrado star kay Job ang mga lagi niyang bitbit sa set para sa mahabang taping.

Tampok din sa Tao Po ang buhay ni Josephine Lunaria Guevarra, isang babaeng bus driver na buong tapang na nagmamaneho sa magulong lansangan ng Maynila, habang ibinahagi naman ni Kabayan Noli de Castro ang kwento ng PWD vulcanizer na si Arnel Martinez, na nagsisikap na malampasan ang mga pagsubok sa buhay.

Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (Aug 11) sa  Tao Po  ng 6:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.

vuukle comment

JOB MANAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with