^

Pang Movies

Miss Universe ‘22, nag-enjoy sa angkas

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Miss Universe �22, nag-enjoy sa angkas
Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel.
STAR/ File

Lumabas ang pagiging Pinoy ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel dahil nasasanay na siya sa pamumuhay dito sa Pilipinas.

Ilang buwan na kasing nandito sa bansa ang beauty queen at hindi na raw siya naiirita sa traffic ng Metro Manila.

Sa isang Instagram Story niya, makikitang nakasakay siya ng motorsiklo para makarating agad sa pupuntahan niya.

“I only have 22 days to finish my collection for my fashion show, I don’t have time for traffic. When you refuse to spend 2.5 hours in the car with traffic but now you have to worry about the upcoming four-way intersection with no light, everyone ignoring the lane markings, and making it home before it rains. And do the honks mean “hello?” or move out of the way???” caption nito sa unang experience niyang umangkas.

Noong April pa nasa Pilipinas si R’Bonney at natikman na niya ang Pinoy street food, makipagtawaran sa Divisoria, sumakay ng jeepney at magluto ng sinigang.

Nakarating din ang beauty queen sa mga maga­gandang beaches ng Pilipinas at nakilala lahat ng kamag-anak niya na mga taga-Malate, Manila.

Jon Lucas, bumawi sa pamilya

Tinupad ni Jon Lucas ang promise niya sa kanyang pamilya na lahat ng atensyon niya ay para sa kanila ngayong bakasyon muna siya after matapos ang Black Rider.

Isang taon nga raw na naging busy siya sa taping ng teleserye at gusto niyang bumawi sa kanyang misis at dalawang anak.

Nagbakasyon sila sa isang resort sa Bulacan.

Inamin ng Kapuso hunk na muntik na siyang mag-quit sa pag-aartista noon pero biglang dumating ang role na Calvin na muling nagpasigla sa career niya. Kelan lang ay nagawaran siya ng award para sa kontrabida role niya.

Okey raw kay Jon na maging kontrabida ulit sa next project niya with GMA.

vuukle comment

MISS UNIVERSE

R-BONNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with