Aliw na aliw ang lolo at lola na sina Ralph Recto at Star for all Seasons Vilma Santos sa apo nilang si Peanut.
Ipinost ni Ate Vi sa social media ang bonding nila sa unica hija nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.
Makikita sa video ang panonood ni Peanut kasama ang kanyang popsie at papa kung saan ang cute nilang tingnan habang hinahalikan siya sa ulo ng kanyang papa at lolo.
Habang ang isa namang video ay nakikipaghabulan at nilalaro-laro ni Ate Vi ang apo habang hawak ni Jessy at ng yaya nito.
Ganun nga raw magmahal ang lola na gagawin ang lahat para mapatawa ang apo.
Kahit nga ang netizens ay natutuwang panoorin si Peanut na namana ang ganda sa kanyang lola at mommy. Ang suwerte nga raw nito na prinsesa ng pamilya nila.
Kelan nga kaya masusundan ng mag-asawang Lucky at Jessy ang panganay nila? Siguradong maganda o gwapo kung sakaling magkaroon na ng kapatid si Peanut.
Maaalalang sinabi ni Jessy na gusto niyang magkaroon ng maraming anak kay Luis at kung kaya lang daw niyang sabay-sabay ay gagawin niya. Bongga.