^

Pang Movies

Dominic, pumatol sa epal na basher!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sinagot ni Dominic Roque ang hindi magandang komento ng isang netizen sa kanyang Instagram post.

Nag-upload ang ex-fiance ni Bea Alonzo ng mga series of photos ng mga kaganapan sa buhay niya noong nakaraang buwan. He wrote, “Half of Hulyo, mostly phone photos...”

Umani ng positive reactions ang post ng dating aktor mula sa kanyang followers pero may isang netizen na tumawag ng kanyang pansin dahil sa komento nito. “Happy yung jowa ni bullet,” sey ng netizen.

Kaya naman sinagot ito ni Dominic. Aniya, “Luhhh epal oh”

Ang tinutukoy ng netizen ay si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos na matatandaang na-link kay Dominic matapos ang breakup nito kay Bea Alonzo.

Matatandaang natsismis pa na si Mayor Bullet ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea.

Kaagad namang nilinaw ni Mayor Bullet sa isang panayam na matagal na silang magkaibigan ni Dominic at hindi totoong may relasyon sila.

Niño, maninIngil

Desidido si Niño Muhlach na pagbayarin ang dalawang GMA independent contractors sa ginawa sa kanyang anak na si Sandro Muhlach.

Nakausap si Niño ng ilang press nang dumalaw ito sa burol ni Mother Lily Monteverde noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Niño sa video na ipinost ng ABS-CBN, kaya naman daw niyang magpatawad pero kailangang pagbayaran din ang ginawa sa kanyang anak.

“Ako, tao lang ako, kaya kong magpatawad, Diyos nga, marunong magpatawad pero hindi pwedeng hindi nila pagbabayaran ‘yung ginawa nila,” sey ni Niño.

Aniya pa, sobrang devastated daw si Sandro sa nangyari.

“’Pag makita mo talaga ‘yung anak ko, nanginginig… basta! He’s really devastated talaga. Masakit para sa isang ama,” aniya.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang magkakahiwawalay na pag-iimbestigang isinasagawa ng GMA, National Bureau of Investigation (NBI) at ng Senate Committee on Public Information and Mass Media hinggil sa reklamong sexual harassment ng pamilya Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Ivana, ‘di pa nakaka-move on 

Kahit namaalam na ang karakter ni Ivana Alawi sa FPJ’s Batang Quiapo, aminado ang aktres na hindi pa raw siya nakaka-move on at nalulungkot din siya sa kanyang pag-alis.

Ramdam na ramdam pa rin daw niya ang impact ng kanyang karakter at kahit saan daw siya magpunta ay ito ang itinatanong sa kanya.

“Alam mo kahit saan ako magpunta, lahat sila isa ang tanong, ‘Bakit wala ka na?’ Kahit magpunta lang ako sa convenience store. Grabe ‘yung impact and doon ako nalulungkot kasi naalala ko na naman,” aniya sa panayam ng ABS-CBN.

Aniya pa, kung hindi nga lang daw sa commitments niyang dapat gampanan ay hindi siya aalis sa serye.

Sa ngayon ay nagpapahinga lang daw siya sandali bago simulan ang naka-line up na trabaho.

 Sinabi ng aktres/media inluencer na may nakatakda raw siyang gawing pelikula at teleserye.

DOMINIC ROQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with