MANILA, Philippines — Magaganap na ang pangmalakasang collab dahil magdidirek si Coco Martin ng ilang action scenes para sa isa pang hit ABS-CBN series na Pamilya Sagrado.
Ibinahagi ni Coco na isinama niya ang buong team niyang FPJ’s Batang Quiapo at game na game silang makatrabaho ang Pamilya Sagrado lalo na’t naghahanda sila para sa isang pasabog na action scene.
“Nandito kami para sumuporta at tumulong. Isang malaking karangalan na ma-direk sina kuya PJ [Piolo Pascual] at ang lahat ng mga veteran actor,” sabi ni Coco sa interview sa TV Patrol kung saan ipinasilip din ang isang eksena kasama sina Piolo, John Arcilla, at Shaina Magdayao.
Inamin naman ni Coco na malaking pagsubok ang haharapin niya kahit sanay na siyang sumabak sa action scenes para sa mga programa niya tulad lamang ng FPJ’s Ang Probinsyano at FPJ’s Batang Quiapo.
“Honestly nai-stress ako ngayon pero kinakaya naman kasi na-excite kami dahil ang ganda ng istorya. Binibigay namin ‘yung pinaka-best namin,” sabi niya.
Excited din si Coco dahil ito ang unang beses niyang magiging direktor para sa isang action TV series kung saan hindi siya parte bilang artista.
“Kadalasan lahat ng show ko, dahil ako ang artista, ako rin ang nagdidirek. Ngayon naman, ang sarap lang sa pakiramdam na naka-focus ako sa pagdi-direk,” dagdag niya.
Carlos, gamit na gamit na
Dapat maningil na si Carlos Yulo. Lahat ng produkto kasi, sakay sa dalawang gold medal niya sa Paris Olympics.
Kahit P1 million lang each, kita na siya. Makakaalis na sa looban at makakabili na ng kotse ang kanyang pamilya.
Kasi talagang, may kasamang advertisement ang congratulatory messages ng iba’t ibang local companies.
Malaki-laki rin ‘yun sa rami. Bukod pa sa incentives talaga na pledges ng malalaking kumpanya sa bansa na ang tantya ng iba ay aabot sa P100 million.
Sayang ‘din ‘yun.
Gustong magpakita ng bago ni Dennis Trillo kaya niya tinanggap ang papel na kontrabida sa teleseryeng Pulang Araw.
Matagal na aniya siya sa industriya at matindi ang kumpetisyon. “Pinili ko na ganitong role ‘yung mapunta sa akin dahil gusto ko po bawat role na ginagawa ko paiba-iba lalo na ‘yung sa mga huling nagawa ko period din sa Maria Clara at Ibarra at ngayon napunta ako rito, gusto ko hindi lang siya basta ordinaryo na Pilipino dahil baka makumpara doon sa previous ko na ginawa,” paliwanag niya.
“Kaya minabuti ko na maging ibang lahi na lang. Maging kontrabida na lang. At dahil syempre 20 years na rin ako sa industriya or more. Kailangan may bago ka lagi talagang ipinapakita at alam mo ‘yun, matindi ang labanan eh so kailangan lagi kang mag-effort may ipakitang bago ka. Para hindi magsawang panoorin ka ng mga tao,” aniya sa ginanap na solo presscon niya days ago.
Na aniya sa hirap ng role niya ay hindi siya nakipag-bonding kina Alden Richards, David Licauco, Sanya Lopez dahil sa kailangan niyang pag-aralang mabuti si Japanese Imperial Army Officer Col. Yuta Saitoh.
At hindi raw madali ang ginawa niya. Say ng Kapuso Drama King na bahagi ng paghahandang ginawa niya ay ang pag-aaral ng wikang Hapon.
Pero ba’t may mga line siya na Tagalog : “Nag-aral siya [Yuta Saitoh] sa Pilipinas. So, ‘yung mga accent niya siyempre iisipin mo hindi naman siya pwedeng straight mag-Tagalog, hindi naman siya pwedeng straight mag-English,” depensa niya.
Kaya naman nagpasalamat siya sa dalawang Filipino-Japanese actors na sina Ryo Nagatsuka and Kenji Ishiguro na gumanap na Japanese soldiers na tumulong at gumabay sa mga dialogue niya. “Ang daming Japanese line na kailangang memoryahin. Sa tulong nitong dalawang ‘to, si Ryo at Kenji, sila ang mga gumagabay kung tama ‘yong mga ginagawa naming mga linya roon,” dagdag ng mister ni Jennylyn Mercado sa ginanap na presscon.
Pero ang hindi nasagot ni Dennis during the presscon ay kung totoong hindi na Kapuso ang misis na hanggang ngayon ay hindi pa pumipirma ng kontrata ulit sa GMA 7.
Anyway, simula Agosto 21, mamarkahan ng multi-awarded actor ang kanyang unang paglabas bilang Col. Yuta Saitoh sa sinasabing pinakamahalagang serye ng GMA 7 ngayong 2024.
Eric Quizon, mami-miss ang chismis ni mother
“She was instrumental in my being in showbiz. She told me , the first time I met her when I was 15, that I had the potential to be in front of the camera. Six years later, in 1988, I signed with Regal Films and officially became a Regal baby. Mother was not just a producer, she was a mentor, advicer, fixer, teacher, confidant, friend, but most importantly she was, in every essence of the word, a mother to all of us,” post ng actor/director na si Eric Quizon bilang tribute kay Mother Lily Monteverde.
“We will miss your random calls , your infectious laughter , your chismis....most especially, we will miss you! Philippine showbiz industry will never be the same without you. Vaya Con Dios. We love you , Mother Lily! #mother,” buong post ni Eric.
Isa lang siya sa napakaraming nagbibigay ng tribute kay Mother sa social media.