^

Pang Movies

Throwback star Pia Moran, may pinagsisisihan

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Throwback star Pia Moran, may pinagsisisihan
Pia

May mga naging regrets sa kanyang buhay ang ‘80s dancer-turned-singer na si Pia Moran.

Kinuwento ni Pia sa Updated with Nelson Canlas podcast na sana raw ay naranasan niya ang makatapos kahit high school. Dahil sa showbiz kaya kinalimutan daw niya ang pag-aaral. “Siyempre, gusto ko ma-experience ko ‘yung high school day ko, ‘yung mga ganu’n ba. Siyempre, iba ‘yun, e. Pero hindi lang dahil sa first year ka. Nakakatuwa, lalong na­ging mas malawak ‘yung pag-iisip ko. Ang gustung-gusto ko talaga, nag-aaral lang,” sey ni Pia.

Edad 15 daw noong magsimula siyang magtrabaho bilang live mannequin sa isang mall. Kumikita rin siya ng extra mula sa pagsasayaw sa mga club sa Timog sa Quezon City.

Napasok niya ang pag-aartista nang hindi duma­ting ang babaeng extra sa isang shooting sa labas ng club kung saan siya nagtatrabaho. Inalok siyang mag-extra at dun na nagsimula ang lahat. “Wala naman sa isip ko na maging superstar. Basta ako, trabaho, ‘yun lang ang akin, masaya ako. Sinuwerte naman ako at nakilala ako,” sey ni Pia na naging paboritong leading lady ni Redford White at ng ilang action stars noong ‘80s.

Paul, na-pressure kay Coney

Naging sobrang close raw si Paul Salas kay Wendell Ramos sa taping nila ng Shining Inheritance kaya turing niya rito ay parang second father niya. “Si Kuya Wendell, iba mag-advise. Hindi lang siya sa on-cam advice kundi off-cam din, sa kung paano i-treat ‘yung showbiz life, si­yempre sa longevity ni Kuya Wendell Ramos,” sey ni Paul.

Para na rin daw niyang ikalawang pamilya ang buong cast ng kanilang teleserye.

“Nagkaroon din kami ng friendship nina Kyline Alcantara, Kate Valdez and Michael Sager. And, of course, si Tita Coney Reyes na sobrang na-surprise ako dahil at first sobrang nape-pressure ako feeling ko seryosong tao si Tita Coney, but sobrang jolly niya and she always shares the word of God and sobrang nakaka-inspire and sobrang kulit ni Tita Coney.”

Zac Efron, tanggal agad ang tubig sa baga

Tinakbo sa ospital si Zac Efron after a pool incident in Ibiza, Spain. Ayon sa report ng TMZ: “Efron was swimming in the pool in the early morning hours and took a dive. His chest hit the bottom of the pool, and he ingested a large amount of water in his lungs. He reportedly appeared in distress and security helped him out of the pool.”

Pagkatapos ng ilang X-rays, natanggal na ang water sa lungs ng High School Musical star. Kaya na-release siya agad sa ospital.

Last Sunday, nakunan ang aktor na nagwu-workout sa tabi ng pool. Post pa niya sa Instagram: “Happy and healthy - thanks for the well wishes.”

vuukle comment

PIA MORAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with