Alam mo, Salve A., dapat naging tahimik na lamang ang double gold champion medalist sa Paris Olympics 2024 na si Carlos Yulo hinggil sa family issue nila ng kanyang inang si Angelica Yulo at i-savor na lamang niya ang kanyang victorious win na siyang nararamdaman ngayon ng kanyang mga kababayan sa buong mundo at sambayanang Filipino.
Whatever family problems he has with his mother, dapat ay i-settle nila ito privately and not publicly dahil umaagaw ito ng attention na nakakasira sa imahe ng kanyang ina at maging sa kanya (Carlos) bilang anak.
Hindi na kasi issue rito kung sino at tama sa mag-ina, kundi nada-drag sa hindi maganda ang kanilang pamilya.
Although may mali ang ina ni Carlos, dapat inayos na lamang ito ng alist athlete privately nang hindi ito pinagpipiyestahan ng media at ng ibang tao na wala namang kinalaman sa kanilang problema bilang isang pamilya.
Nakakalungkot lamang, Salve A., na sa halip na magsaya at magbunyi sa kanyang double gold win sa Olympics ay nababahiran ito ng hindi maganda na may kinalaman sa kanilang personal issue sa pagitan nila ng kanyang ina.
Kung hindi man proud kay Carlos ang kanyang ina, so be it! Ang mahalaga ay ipinagmamalaki siya ng buong bansa at ng sambayanang Pilipino sa pangunguna ng Presidente ng Pilipinas na si President Bongbong Marcos, Jr.
At 24, malayo pa ang mararating ni Carlos bilang isang multiple medalist athlete at nakaukit na sa kasaysayan ng Pilipinas ang kanyang naiuwing tagumpay.
Isang hero’s welcome ang naghihintay kay Carlos sa kanyang pagbabalik ng Pilipinas bukod pa sa milyun-milyong cash incentives, in kind bonuses, product endorsements and business packages na mapapasakamay niya.
Hindi lamang P60M cash ang nakatakda niyang tanggapin mula sa pamahalaan at iba’t ibang ahensiya at mga pribadong kumpanya kundi makakatanggap din siya ng isang fully-furnished three-bedroom condo unit located in BGC, house and lot, brand new car, libreng business packages, multi-product endorsements at iba pang mga insentibo at bonuses, even enough for him to retire. Pero hindi rito nagtatapos ang magagandang opportunities na naghihintay para sa kanya who should count his blessings kesa makipagbangayan sa kanyang ina.
Kung totoong pinatawad mo na ang iyong ina, ipakita mo ito sa gawa at hindi sa pamamagitan ng pakikipagsagutan sa kanya sa social media and in public.