Korean Actor Ji Chang Wook, malaki ang kinita sa endorsements

Ang saya ng fan meeting ng Korean idol na si Ji Chang Wook.

Puno ang Araneta Coliseum noong Linggo ng gabi.

Bench ang nag-organized ng fan meeting kaya naman tiyak na mara­ming namakyaw ng Bench items dahil P20,000 ang worth ng VIP tickets.

Spotted sa audience sina EA Guzman and girlfriend niyang Shaira Diaz na mahilig pala sa Korean drama.

Ganundin si Denice Laurel.

Parang ang bait talaga ni Ji Chang Wook kahit sa fan meeting. May lucky fans na niyakap niya at may pa-backhug pa sa isa.

Bago ang nasabing fan meeting ay nag-upload siya ng pictorial sa kanyang mga billboard sa may Makati. At kung ano ang suot niya sa nasabing pictorial, ‘yun din ang suot ng K drama actor / singer sa fan meeting.

Hindi na siya nagpalit ng T-shirt ng Bench.

Ganun siya kasimple na sumikat sa maraming Korean drama tulad ng Welcome to Samdalri, Healer, Suspicious Partner, Lovestruck in the City, Backstreet Rookie, at marami pang iba.

Ayon sa India Today, ang South Korean actor ay kumita ng US$12 million noong 2021, isang malaking bahagi nito dahil sa kanyang mga deal sa endorsements sa fashion at skin care.

Noong 2023, umabot naman diumano sa US$70 million ang kanyang net worth, ayon sa iba’t ibang source ng K-media.

Blackpink world tour rated PG

Handa na ba ang Filipino fans at Blink community? Dahil maaari nang mapanood sa mga sinehan ang ginawang world tour ng sikat na Korean pop girl group na Blackpink.

Ito’y matapos mabigyan ng rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) - nina Board Member Antonio Reyes, Racquel Maria Cruz, at Lillian Ng Gui - ang film documentary na binuo mula sa mga konsyertong ginawa ng grupo sa iba’t ibang bansa.

Sa ilalim ng rated PG, maaaring makapanood ang mga edad labingtatlo (13) at pababa, ngunit kinakailangan na may kasamang magulang o nakatatanda na siyang gagabay sa kanila sa panonood.

Maging ang pelikulang Bluelock: Episode Nagi mula sa produksyon ng Pioneer Films ay nakakuha ng kaparehong marka, sa desisyon nina Board Members Gui, Reyes, at Robert “Bobby” Andrews, Jr.

Bukod dito, binigyan naman ng R-13 rating ang pelikulang Trap mula sa Warner Bros. (F.E.) Inc. na pinagbibidahan ni Josh Harnett. Sa desisyon nina JoAnn Bañaga, Angel Jamias, at Neal Del Rosario, sinabi nilang may ilang aspeto ang pelikula na hindi angkop sa mga edad labingdalawa (12) at pababa.

Maging ang lokal na produksyon mula sa Viva Communications, Inc. kung saan bida sina Sue Ramirez, Barbie Imperial, at Phi Palmos ay binigyan din ng kaparehong marka na R-13 rating.

Sa desisyong ito nina Board Members Richard John Reynoso, Jan Marini Alano, at Katrina ­Angela Ebarle, kung saan ipinaliwanag nila na ang pelikula ay nagpapakita ng paglalarawan sa droga o paggamit nito at iba pa hindi angkop na eksena para sa mga edad 12 pababa.

Habang ang pelikulang Consumed naman na gawa rin ng Pioneer Films, ay binigyan ng R-16 rating. Ang R-16 ay para lamang sa mga edad 16 pataas. Sa desisyon ito nina BM Reynoso, Cruz, at Wilma Galvante na sinabing ang pelikula ay mayroong katatakutan at karahasan na hindi angkop sa mga batang edad labinglima (15) at pababa.

Pinapaalalahanan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang, na kinakailangan nilang gabayan ang kanilang mga anak na pasok sa age restriction ng isang pelikula, at maging mabu­ting halimbawa sa mga batang Pilipino.

Jowa ni Carlos, pinag-iinitan sa social media

Ang daming may ayaw sa girlfriend ni Carlos Yulo.

Hindi raw sila bagay.

As if naman may pakialam sila sa lovelife ng double Olympic gold medalist sa gymnastics.

Makakakuha pa raw si Carlos ng hindi blonde ang hair at hindi sobrang tangkad sa kanya.

Sa direct messages lang pala nagsimula ang kanilang relasyon four years ago upang i-express daw ang paghanga ng social media star na si Chloe sa gymnast. Simula noon, naging regular na raw ang young social media star sa stand para sa kanyang boyfriend.

Hindi nga raw naging madali ang paglalakbay ni Carlos Yulo, naging isang rollercoaster! Matapos dominahin ang mundo ng gymnastics kasama ang Japanese coach na si Munehiro Kugimiya mula noong 2013—na makamit ang mga ginto sa World Championships at manalo sa mga tagahanga sa buong mundo—nagpasya si Yulo na bumalik sa Filipino coach na si Aldrin Castañeda.

Pero asan ba siya ngayon, dalawang gintong medalya ang nakamit niya sa ginaganap na Paris Olympics kasama ang girlfriend at milyon-milyon ang naghihintay na reward sa kanya ng maraming kumpanya.

At ‘yun nga hindi lahat ay pabor sa girlfriend nito na okray na mukha raw bading.

Sa totoo lang, ba’t kaya hindi na lang maging masaya ang lahat sa panalo ni Carlos? Imagine, da­lawang gold medal na ang nakuha niya na nakaukit na sa kasaysayan ng mundo ng gymnastics.

 

Show comments