Dumulog na sa NBI...
Dumulog na si Sandro Muhlach sa National Bureau of Investigation (NBI) para pormal na maghain ng reklamo laban sa dalawang indibidwal.
Base sa ulat ng 24 Oras nitong nakaraang Biyernes, kinumpirma umano ng NBI mismo ang pagtungo ni Sandro sa tanggapan nila kasama ang ama nitong si Niño Muhlach.
Hindi na pinangalanan ng NBI kung sino ang dalawang tao na inirereklamo at humiling daw ng privacy ang mag-amang Muhlach.
Nagpahatid naman ng maikling text message si Sandro sa GMA hinggil sa nararamdaman niya ngayon.
Ayon sa text ni Sandro, hindi raw siya okay pero kakayanin daw niya.
Nauna rito ay inireklamo ni Sandro sa GMA ang dalawang “independent contractors” ng network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Samantala, sa Facebook post ni Niño nitong Biyernes ng gabi ay nagpasalamat ang dating child wonder sa lahat ng suportang natatanggap nila. Humiling din siya sa netizens ng dasal para bigyan sila ng tapang at tibay na makayanan ang lahat para makamit ang hustisya.
“Our family has suffered so much because of the unspeakable and vile acts done to our son. We ask for your prayers to help us muster enough strength and courage to withstand the horror of re-living the dastardly acts of the perpetrators as we seek justice through our legal system.
“Thank you for all your support and kind words and your gracious gift of space. We truly appreciate it,” pahayag ni Niño.
Andrea, tuloy ang papansin sa mga Oppa! Pinangalandakang single...
Kahit single siya ngayon ay ipinagdiwang ni Andrea Brillantes ang National Girlfriend’s Day nitong nakaraang Biyernes. Sa halip na boyfriend ay single friends din niya ang kanyang ka-date na binigyan pa niya isa-isa ng gift.
Ibinahagi ni Blythe sa kanyang Instagram account ang video kung paano siya nag-prepare ng kanyang gifts sa single friends and staff niya. Binigyan niya ang mga ito ng tig-isang bouquet of flowers with matching personal note.
She wrote, “POV: you’re single on national GF’s day, so you spoil your single friends instead.”
Sa caption ay ni-tag pa niya ang dalawang iniidolong South Korean actors na sina Kim Soo-hyun of Queen of Tears and Byeon Woo-seok of Lovely Runner.
“Happy national gf’s day hahaha @soohyun_k216 @byeonwooseok san na flowers ko,” sey ni Andrea.
Mapapanood naman sa video na tuwang-tuwa ang friends na binigyan niya ng flowers.
Pinuri naman ng netizens ang aktres sa pagiging sweet at ma-effort na friend. Pero sinabihan din siya ng iba na pumila sa dalawang Korean idols niya.