^

Pang Movies

Angelu, umaasang magkakabati sila ni Claudine

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinakita ni Angelu de Leon ang kanyang husay sa pagiging kontrabida sa Pulang Araw.

Tinodo raw niya ang pag-arte dahil ang tagal din daw kasi niyang hindi tumanggap ng teleserye simula noong umupo siya bilang konsehal sa Pasig City. Last teleserye niya ay Inagaw Na Bituin noong 2019 pa.

‘Di raw niya mapalagpas ang role sa nasabing teleserye kaya nagpaalam siya kay Mayor Vico Sotto para gawin ang teleserye.

“Para mabalanse kasi siyempre may mga taping din na kailangan doon. Para rin in respect doon sa trabaho ko ngayon na bilang konsehal ng Pasig, kailangan magpaalam para hindi lagi siyang naghahanap, ‘Nasa’n si Angelu? Bakit wala?’” sey ng aktres.

Naungkat naman ang issue nila ni Claudine Barretto. Nagbitiw ng mga ‘di magagandang salita si Claudine laban kay Angelu sa anniversary party noon nina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Panahon pa lang nila sa Ang TV noon ay may rivalry na ang dalawa.

 Simpleng sinagot ni Konsehala ang issue with Claudine na ‘di pa raw niya nakakausap: “Wala pang pagkakataon pero umaasa pa rin ako na darating ‘yung panahon na ‘yon.”

Katy, kulelat kay Taylor

Napag-iwanan na ng milya-milya ni Taylor Swift si Katy Perry dahil disappointing ang result ng comeback single ni Katy na Woman’s World.

Pina-hype pa naman ni Katy ang pag-drop ng Woman’s World sa social media. Nag-resign pa siya bilang judge sa American Idol para matutukan ang comeback album niya na 143. Last album niya ay ang Smile noong 2020.

Ayon sa Billboard: “Sadly, the dance-pop cut floundered upon its arrival, and the superstar is already moving on to the next.”

Kinumpara nga ito sa albums ni Taylor na ang lahat ng songs ay pasok sa Billboard charts.

Ang latest album ni Taylor na The Tortured Poets Department ay may hawak na record na 12 weeks at number one sa Billboard 200 chart.

 

vuukle comment

ANGELU DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with