^

Pang Movies

Gabby, napapagkamalang boyfriend ni KC!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Gabby, napapagkamalang boyfriend ni KC!
Gabby at KC

Talagang magiliw magkuwento si KC Concepcion tungkol sa kanyang amang si Gabby.

Sa isang interview sa kanya ni Isko Moreno, sinabi niyang ang kanyang tatay ay parang isang bampira na hindi naman tumatanda. Ang ibang mga kasabayan niya at maging iyong mga sumunod lang sa kanya ay mga mukhang matanda na, pero si Gabby andun pa ang kagwapuhan.

Sabi nga ni KC basta daw kausap niya si Gabby, marami ang kaibigan niya lalo na sa abroad na hindi nakakaalam kung sino si Gabby ay nagtatanong sa kanya kung iyon ba ang boyfriend niya. Ni hindi napagkakamalang kuya, napagkakamalan pang boyfriend niya.

Ate Vi, standing ovation sa DFA

Inimbitahan bilang speaker sa Cultural Wednesday program ng Department of Foreign Affairs na pinamamahalaan ng foreign service institute nila si Vilma Santos upang pag-usapan ang film industry and how she sees the development of it. Binigyan siya ng 20 minutes of talk time, sabi niya. At ang nalalabi pang mga sandali sa isang oras ay para sa talk back.

Pero alam naman ninyo si Ate Vi kung magkuwento mula umpisa ng kanyang career hanggang sa kasalukuyan.

At hindi niya nakalimutang banggitin siyempre ang iconic roles niya bilang Darna at Dyesebel, dalawang characters na nilikha ng hari ng komiks na si Mars Ravelo. At sinabi nga niyang malaking suwerte iyon dahil siya lamang ang bukod ta­nging aktres na nakagawa ng apat na pelikulang Darna matapos na sumira ng box office records.

Nang lumaon, marami pa siyang mga pelikulang nagawa na nakabilang sa mga kinikilalang klasikong pelikulang Pilipino, kabilang na ang Anak, Dekada 70, Relasyon, Tagos ng Dugo, Sister Stella L, Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story at marami pang iba.

Masasabi nga sigurong pinaka-kontrobersiyal niyang pelikula ang Sister Stella L dahil ilang ulit iyong tinangkang harangin ng censors dahil sa kuwento ng pelikula at noon ay panahon pa ng martial law.

Pero ngayon ang pelikulang iyan ay itinuturing na isang classic, nai-restore na ang kopya at inilalabas sa iba’t ibang festival sa buong mundo.

Anyway, sa kanyang pagsasalita kung ilang ulit na nagkaroon ng standing ovation.

Napakarami pa nilang tanong kay Ate Vi sa panahon nung talk back na napahaba rin.

Ang mga naroroon bukod sa mga matataas na opisyal ng DFA ay mga ambassador, at ang mga piling kinatawan ng ating diplomatic corps.

Sino nga bang artista ang maaaring humarap at magsalita sa mga ganyang tao. At take note, iyong twenty minutes na limit ay tumagal ng isang oras at dalawang minuto at ang pagtigil lamang ay kung tumatayo ang audience at binibigyan siya ng standing ovation.

Apat na beses nagkaroon ng standing ovation sa kanyang pagsasalita.

Halayan, aabot sa demandahan

Mahirap bumanggit ng mga bagay na kotrobersiyal lalo at wala pang diretsahang statement ang mga involved pero ang naging pasaring ng actor na si Niño Muhlach at ang sinabi ng kanyang partner na si Diane Tupaz na hindi nila mapapalampas ang isang pagkakamali sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang anak, ay parang tumutukoy na nga sa naglalabasang blind items na ang tinutukoy ay si Sandro Muhlach, na panganay na anak ni Niño sa una niyang naging asawang si Edith Mallari.

Nauna rito, may isang young actor na sinasabing hinalay ng dalawang baklang production executives din na ito pagkatapos ng isang bonggang party. Ayon sa mga kuwento, isinama diumano ng dalawang bading ang poging young actor, nilasing at matapos iyon ay tinangkang halayin. May nagsasabi namang “itigil na iyang white wash, talagang may nangyari at hinalay nila ng actor.”

Pero mabilis naman ang GMA 7, na nagsabing ang dalawang inakusahan ng panghahalay ay hindi nila mga empleyado kundi mga independent contractors lamang. Ibig sabihin, hindi sasagutin ng GMA ang ginawa nila dahil hindi naman sila empleyado, pero nagsabi ang network na kung ang partido ng biktima o ng hinalay ay magpapaabot ng sumbong sa kanila, gagawa sila ng sarili nilang imbestigasyon.

Sinasabi rin nilang hindi nila kukunsintihin ang ganyang bagay.

Pero mukhang iba na nga ang balak gawin ng pamilya ng biktima gusto na nilang ipagharap ng demanda ang dalawang baklang lumapastangan sa kanilang anak.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with