^

Pang Movies

Joshua at Julia, magpapaubaya

Pang-masa

MANILA, Philippines — Simulan na ang saya ngayong August kasama ang ASAP Natin ‘To na may regalong libreng concert tampok ang mga bonggang performance nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Erik Santos at iba pa ngayong Linggo (Hulyo 14) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

 Abangan ang hottest rock opening kasama sina Gary, Martin, Zsa Zsa, Ogie, Erik, Jona, at Sheryn Regis. Tumutok rin sa inyong mga screen para sa isang phenomenal performance ng movie theme song hits mula kina Regine, Erik, Sheryn at Nina.

 It’s a musical feast for everybody dahil handog nina Ogie and Jona ang makabagbag-damdamin na tribute to the maestros Rey Valera, Louie Ocampo, at Ogie Alcasid kasama sina Lara Maigue at ang Tawag ng Tanghalan champions na sina Marielle Montellano, JM Dela Cerna, JM Yosures, Lyka Estrella, and Reiven Umali. Aarankada rin sa kantahan sina Martin at Zsa Zsa na may dalang performances ng jazzy classics kasama sina Frenchie Dy at Nyoy Volante.

 Patuloy lang ang mataas na energy kasama si Mr. Pure Energy Gary V na hatid ang all-around na production kasama sina Maymay, AC Bonifacio, Gela Atayde, ang heartwarming na kantahan kasama ang The Company, at nakaka-excite na sing and dance number kasama ang Ignite. Sulitin ang weekend kasama sina Gary, Martin, Regine, Zsa Zsa, Ogie, Erik, Maymay, AC, Jona at iba pa para sa isang pasabog na closing number.

 Magpapaiyak din ng fans ang stars ng Un/happy For You na sina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil sa kanilang duet ng Paubaya ng Ben&Ben ngayong weekend.

 Hindi naman magpapahuli sa kasiyahan ang ASAP hosts na sina Robi Domingo at Edward Barbers.

‘The Voice Kids’ coaches, ipinakilala na!

Ipinakilala na ang mga magiging coach sa kilalang spin-off ng world’s biggest singing competition, ang The Voice Kids, matapos i-announce sa Julie X Stell: Ang Ating Tinig concert ang pinakabagong coach na makakasama nila.

 Magbabalik this season ang award-winning international singer, dancer, at host na si Billy Crawford; multi-awarded at best-selling recording artist at Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose; at lead singer at choreographer ng pinakamamahal na P-Pop boy group na SB19, Stell. At ang kukumpleto sa listahan ng roster of coaches ay ang leader, writer, at producer ng SB19 na si Pablo.

 Lalo nang na-excite ang Kapuso viewers matapos malaman na dalawang miyembro ng sikat na P-Pop boy group na SB19 ang kasama sa The Voice Kids.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with