^

Pang Movies

Ivana nagpasalamat kahit piniling magpatigok sa Quiapo

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ivana nagpasalamat kahit piniling magpatigok sa Quiapo
Ivana Alawi at Coco Martin

Wasak sa FPJ’s Batang Quiapo ang sarili nitong online viewership record matapos makumpirma ang pamamaa­lam ng karakter ni Ivana Alawi sa maaksyong episode nito noong Hulyo 30 (Martes). Nakakuha rin ito ng iba’t ibang trending topics sa social media.

Nakapagtala ang naturang episode ng all-time high na 610,927 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Nakamit ng serye ang panibagong online record sa dalawang magkakasunod na gabi at ito rin ang kauna-unahang beses na lumagpas ito sa 600,000 views para sa mga sabay-sabay na nanonood.

Tinutukan ng mga manonood ang emosyonal na episode kung saan nadurog ang puso ni Tanggol (Coco Martin) matapos makitang duguan at wala nang buhay si Bubbles (Ivana). Hindi na kasi naabutan ni Tanggol kung paano pagbabarilin ni David (McCoy de Leon) si Bubbles hanggang sa hindi na nito kayang makipaglaban.

Bago pa nito, naipit din si Tanggol sa matinding bakbakan kung saan namatay rin ang lolo ni Bubbles na si Celso (Soliman Cruz) dahil sa tadtad ng bala mula kay David.

Nag-post din si Ivana ng kanyang pasasalamat.

“Nung unang inalok sakin ang Batang Quiapo, isang malaking tanong ang pumasok sa isip ko. Bakit ako? Kaya ko ba ito? Deserve ko ba?

“Pero dala na ng aking tiwala sa ABSCBN lalo na kay Tita Cory, Direk Coco, at sa pana­langin ko din, tinanggap ko siya ng buong puso. At sobrang proud ako sa show na ito,” umpisa niya.

At dito siya nagpasa­lamat sa mga taga-Batang Quiapo.

“Kaya naman gusto ko magpasalamat sa lahat ng bumubuo ng Batang Quiapo. Mula kay Direk Coco, hanggang sa lahat ng mga artistang nakasama ko, technical staff, production staff, at sa mga utilities… Salamat sa pag aalaga ninyo sa akin

“At ngayong tapos na ang isang chapter ng buhay ko sa Batang Quiapo, babaunin ko lahat ng natutunan ko.

“From the bottom of my heart maraming salamat sa inyong lahat, sa inyong walang sawang pagtanggap sa akin gabi-gabi, sa pagmamahal niyo kay Bubbles. Salamat po ng marami at sana patuloy niyo parin supportahan ang Batang Quiapo.

“Hanggang sa muli,

“Bubbles signing off,” ang kabuuan ng post ni Ivana kalakip ang ibang photos niya na kuha sa taping nila.

Pero nagulat pala ang ibang cast ng Batang Quiapo na biglang pinatay si Ivana.

Hindi raw talaga nila alam ang rason, ayon sa isang source.

May apat na unit daw ang Batang Quiapo kaya naman hindi nagkikita-kita ang buong cast nito.

Kaya shocked din sila. Pulos chismis lang din daw ang nakakarating sa ibang member ng cast tulad nung nauna nang kumalat na hindi diumano favor si Ivana sa pagpasok ni Kim Domingo sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Wala diumanong may alam kung anong katotohanan tho may inkling ang iba kung bakit nga raw nagpapatay si Ivana.

Anyway, ang FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films ay napapanood gabi-gabi ng 8 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Heart, nagbenta ng bag worth P1.5 M

Huling-huling sa camera ang lips to lips nina Sen. Win Gat­chalian at Bianca Manalo sa Senado.

Bumisita nga si Ms. Bianca sa Senado at habang nasa upuan siya ay nilalapitan ang actress ng ibang senador para magbye-bye nung paalis na siya.

Pero nang mag-speech si Sen. Sonny Angara now DepEd Sec., nasa likod sila ng camera at huli ang tukaan nila ng senador na karelasyon.

Paliwanag ni Bianca, wala silang malay na nahagip sila ng camera nung nagpapaalam na siya sa BF. “First time to visit @stgatchalian74 at the Se­nate floor today. They were saying their thank yous and goodbyes to Senator, now our DepEd Secretary @sonnyangara “I had to leave already, because I have a play to watch at the GSIS theater, which is behind the Senate building. We kissed goodbye. We didn’t know we will be seen on the monitor while Secretary Sonny was having his goodbye speech.  (it’s the last photo) ?? iiiiiiiiiiiiiih,” buong post ni Ms. Bianca.

Napa-comment naman si DepEd Sec. ng “Tamis tamis!” kasama ang mga emoticon na langgam.

At nag-post pa siya: “Marami palang na enganyo sa huling talumpati ko sa Senado — I was told I bring people together”

Nagpaalam na sa Senado si Sen. Angara na itinalagang Secretary ng Department of Education.

Anyway, kasal na lang ang hinihintay kina Sen. Win and Ms. Bianca para maging member na rin siya ng Senate Spouses Foundation Inc. na kasaluku­yang pinamumunuan ni Heart Evangelista na noong isang araw nga ay nag-donate siya (Heart) ng P1.5 million matapos ibenta ang isang Hermès Kelly Sellier bag na may pinta niya.

Na tiyak na magiging aktibo si Bianca oras na maging misis na siya ni Sen. Win.

Sue, malabo nang makahanap ng ka-level ni Javi?!

Seen-zoned lang si Victorias City Mayor Javi Benitez nang i-chat ko kung true ang isyung split na sila ni Sue Ramirez.

Sumasagot usually si Javi sa mga chat.

Pero ito, baka intentional ang pandededma niya.

Sabagay, hindi naman talaga showbiz si Javi at galing siyempre sa buena familia kaya hindi tiyak sasali sa mga intriga.

Hindi niya kailangang mag-YouTube para kumita kumbaga at i-break sa social media ang tungkol sa life update niya.

Uso na kasi sa ibang celeb ‘yun na sila mismo ang nag-i-scoop sa sarili nila.

Pero mas busy si Javi sa pagiging mayor base sa mga post niya.

Kaya lang, siguradong manghihinayang si Sue kung may katotohanan ang isyung split na sila.

Bukod sa nagtapos ng dalawang kurso sa Amerika si Javi, old rich ang pamilya nito at tiyak na hindi na siya (Sue) makakahanap ng ka-level kumbaga ni Javi.

 

 

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with