^

Pang Movies

Marian, level up ang pagiging aktres

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Marian, level up ang pagiging aktres
Marian Rivera

Bongga ang trailer ng Cinemalaya official entry na Balota na kalat sa social media accounts kung saan makikita ang pagbabardagulan nina Sassa Gurl at Esnyr. Maririnig din ang catchy music bilang campaign jingle na madalas na ginagamit ng mga pulitiko kapag nangangampanya. Ipinakita rin asa trailer ng ilang eksena ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na nagwawala habang yakap ang balota.

 ‘Kaka-excite ha lalo pa nga ibang-iba ito sa mga ipinalabas na teasers kung saan nakita ang mabibigat na eksena ni Marian habang tumatakbo sa kagubatan dala-dala ang balota.

Talagang level up na ang pagiging aktres ni Marian dito.

Iba rin ang nagawa ng pelikulang Rewind lalo na nga at ito na ang highest grossing local film sa kasalukuyan.

Imagine na ang tagal ‘di gumawa ng pelikula ni Marian pero nang mag-comeback sila ni Dingdong Dantes, pak, massive ang success.

Sayang at sa iilang sinehan lang mapapanood ang Balota. Baka rin limited ang makapanood.

Pero sigurado akong gagawan nila ito ng paraan na maipalabas sa mas maraming sinehan.

Nakakahinayang kasi ang mga pinaghirapan ni Marian kung hindi ito mapapanood ng marami niyang fans.

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with