Naglabas na ng kanyang pahayag si Niño Muhlach sa gitna ng pinagpipistahang issue ngayon sa panganay niyang anak na si Sandro Muhlach.
Sa kanyang Facebook account last Tuesday night ay nag-post ng isang maikli pero matapang na statement si Onin.
“INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!” ang pahayag ng dating Child Wonder.
Hindi na rin nakatiis ang stepmom ni Sandro, ang current partner ni Onin na si Diane Abby Tupaz, at naglabas na rin ng kanyang pahayag sa kanyang Facebook account last Tuesday night din. “PINALAKI AT ININGATAN NAMING MABUTI ANG AMING MGA ANAK NA PUNO NG PAGMAMAHAL AT PAG AARUGA TAPOS WAWALANG HIYAIN LANG NG MGA KUNG SINONG TAO NA NILAMON NG KADEMONYOHAN SA KATAWAN PARA MAGAWA YUNG GANUNG KLASENG KABABUYAN!” simula ni Diane.
Sinabi rin ng ina ng dating child actor na si Alonzo Muhlach na hindi sila papayag na hindi makamit ang hustisya sa kababuyang nangyari sa kanilang anak.
“HINDI KAMI MAKAKAPAYAG NA HINDI NAMIN MAKAKAMIT ANG HUSTISYA! HABANG BUHAY NA DADALHIN NG ANAK NAMIN YUNG KABABUYAN NA GINAWA NYO SA KANYA!
“WALA KAMING PAKIALAM KUNG SINO KAYO O KUNG SINO ANG POPROTEKTA SA INYO!
“SISIGURADUHIN NAMIN NA PAGBABAYARAN NYO YUNG GINAWA NYO! HINDI NAMIN HAHAYAAN NA MAY MABIKTIMA PA KAYO NA IBA!” aniya.
Nagbanta rin si Diane na lalaban sila at papanagutin ang dapat managot.
“ITUTULOY NAMIN ANG LABAN! MANAGOT ANG DAPAT MANAGOT! NAKAKA NGINIG KAYO NG LAMAN!”
Nagsilabasan na rin ang iba pang miyembro ng Muhlach clan at nagpahayag na rin ng kanilang suporta para sa pamilya ni Onin.
Ini-repost ng anak ni Aga Muhlach kay Janice de Belen na si Luigi Muhlach sa FB ang post ni Onin at sey niya sa caption, “subukan niyo kami ng gising.”
Ibinahagi niya rin ito sa kanyang FB story na may caption namang “Yall done f’d up this time.”
Ang nakababatang kapatid naman ni Aga Muhlach na si Andrew Muhlach ay ibinahagi rin ang “inumpisahan nyo, tatapusin ko” statement ng pinsan niyang si Niño at sey niya sa caption, “justice will prevail.”
Si Sandro Muhlach ang hinala ng netizens na tinutukoy sa kontrobersyal na blind item na pinagpipistahan ngayon tungkol sa isang baguhang aktor na diumano’y na-harass ng dalawang “powerful gay executives” ng isang TV network.
Naganap umano ang insidente sa nakaraang GMA Gala.
Matatandaan namang naglabas ng statement ang GMA 7 last Tuesday tungkol sa online articles na naglalabasan. Narito ang kabuuan ng official statement ng GMA 7: “Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network.
“We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue. Should one be filed, the Network is committed to conducting a thorough and impartial investigation.
“We assure the public that GMA Network takes such matters with utmost seriousness.”
Sa ngayon ay wala pa ulit panibagong statement ang network.
Mananatiling nakabukas ang pahina namin para sa anumang panig ng magkabilang kampo.