^

Pang Movies

Susubok ng iba

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May posibilidad na nakagawa ulit ng TV show si Heart Evangelista pagkatapos ng kanyang contract renewal with GMA kamakailan.

Huli siyang napanood umarte sa I Left My Heart in Sorsogon in 2021.

“Hopefully, maybe with a really good script I can. But as this moment parang feeling ko we will try to do something else kasi parang ‘di na po ako makakatulog nu’n. I’ll be working with GMA something na bago naman na I don’t think that has ever been done before so hopefully soon,” sey ng Global Fashion Icon.

Hindi nga raw siya nagdalawang-isip pa na mag-renew ng kontrata with GMA dahil malaki raw ang utang na loob niya rito.

Ilan sa mga pinagbidahan niyang teleserye sa GMA ay Codename: Asero, Dwarfina, Luna Blanca, Ngayon at Kailanman, Langit Sa Piling Mo, Full House at Legacy.

Batang Barbie, parang totoo nang kadugo

Pinuri ng netizens ang gumanap na batang Barbie Forteza sa epic-serye ng GMA na Pulang Araw na si Cassy Lavarias.

Bukod daw kasi sa hawig nito si Barbie, nagpakita rin ng husay sa pag-arte ang 11-year-old child actress sa unang episode pa lang.

Ito ang second time na gumanap si Cassy na batang Barbie. Nauna ay sa Maging Sino Ka Man last year.

Nagsimula siya sa pag-arte nung 6 years old siya. Una siyang lumabas sa teleserye na Magkaagaw bilang anak nina Jeric Gonzales at Klea Pineda. Nasundan ito ng Nakarehas na Puso, Maging Sino Ka Man at Stolen Life.

First movie naman niya ay ang Mallari ni Piolo Pascual.

Melrose... bubuhayin

After 30 years ay nagkaroon ng reunion ang ilan sa cast ng hit US TV drama series ng ‘90s na Melrose Place.

Unang umere in 1992 ang Melrose Place na tungkol sa buhay ng iba’t ibang young adults sa isang apartment complex sa West Hollywood. Nagtapos ang series in 1999.

Sa naganap na podcast reunion, nagkita muli sina Courtney Thorne-Smith (Alison), Daphne Zuniga (Jo), Laura Leighton (Sydney) and Grant Show (Jake). Pinanood nila ulit ang seven seasons ng MP at pinagtawanan na lang nila ang kanilang pag-arte sa iba’t ibang episodes. May ibang episodes naman daw na hindi na nila matandaan na ginawa nila.

Binaha naman ng tawag ang podcast mula sa die-hard fans ng MP, hindi lang sa US kundi ma­ging sa ibang bansa.

Ang iba pang nakasama sa cast ng MP ay sina Heather Locklear, Marcia Cross, Kristin Davis, Jack Wagner, Thomas Calabro, Andrew Shue, Josie Bissett, Doug Savant, Vanessa A. Williams, Amy Locane, Janet Caroll, Beata Pozniak, Patrick Muldoon, Lisa Rinna, Rob Estes, Kelly Rutherford and Alyssa Milano.

 

 

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with