Tuloy ang pagma-master...Goma at Lucy, emosyonal sa pagiging Cum Laude ni Juliana

MANILA, Philippines — Proud parents sina Cong. Richard Gomez and Ormoc Mayor Lucy Torres sa unica hija nilang nagtapos na Cum Laude sa University of the Philippines Diliman noong isang araw.

Post ni Cong. Richard : “I vividly remember your first day in school as a young child. I drove you to your school near the house, you were in a white shirt and jeans in rubber shoes.

“Look at you now all grown up and a college graduate in Public Administration at the UP Diliman and a Cum Laude.

“Congratulations ‘day!

“Mom and I are so proud of you.

“Mom was in tears going up the stage. My eyes were in tears too when I went back to my seat as things sank into my head and realized how time flies so fast.

“Go on and make things better and beautiful,” emosyonal na post ng aktor/pulitiko sa pagtatapos ng anak na dalaga.

Nauna nang nabanggit ni Cong. Richard na magma-master si Juliana.

“I’m happy na graduate na si Juliana, and nag-enroll siya sa Master’s course niya. Dun pa rin sa UP mag-Master siya on Public Administration.

“I’m very happy na she’s graduating Cum Laude. Kanino pa nagmamana, siyempre! Ang talino nakukuha sa nanay!” bulalas ni Cong. Goma habang tumatawa nunang nakausap namin siya sa fiesta ng Ormoc last June.

Pero aniya, hindi raw niya masasabing paghahanda na ni Juliana sa pagpasok sa pulitika kaya ito nag-Master on Public Administration.

“Hindi naman namin sinabi sa kanya na maghanda ka. Pero she really wanted Public Administration. Siguro ‘yun ang nakikita niya sa amin. Nung time na sa Congress pa si Lucy, ako naman ang Mayor. Ngayon si Lucy naman ang Mayor.

“Magaling si Juliana sa tao. ‘Yun ang nakikita ko sa kanya. Marunong mag-public speaking ‘yun,” pahayag pa ng aktor sa aming interview.

Obviously ay hindi natuloy ang pagpasok ni Juliana sa Wil To Win ni Willie Revillame.

“Gusto ni Willie. Hindi ko naman sinabi kay Juliana na huwag… sabi ko kay Juliana, ‘ikaw ang mag-decide, meet with them and talk to them. Kung type mo at nagustuhan mo,’ it’s really up to her to decide kung ano ‘yung gusto niya.

“Tumawag si Willie sa akin, sabi ko, ‘Willie sino ang contact person n’yo?’

“Tapos nu’n, nag-usap sila, nag-meeting sila. Hindi ko…sabi ko, ‘it’s really up to you to decide. Ikaw ang bahala kung ano ‘yung gusto mong gawin,” dagdag niyang pahayag.

Napapanood ang Wil to Win pero walang Juliana na co-host.

Anyway, nag-post ng pasasalamat sa kanyang alma mater si Juliana : “Isang karangalan ang maging Iskolar-Atleta ng Bayan. Maraming salamat sa pagkakataon na ito, UP! Mahal na mahal kita. #Sablay2024.”

Entertainment industry, nagluluksa sa pagpanaw ng asawa ni Mother Lily

Nagluluksa ang Philippine entertainment industry sa pagkawala ni Leonardo “Remy” G. Monteverde, asawa ng film producer at may-ari ng Regal Films na si Mother Lily Monteverde.

Si Leonardo, na kilala sa kanyang walang tigil na suporta sa lokal na industriya ng pelikula, ay pumanaw noong Hulyo 29, 2024, sa edad na 86 dahil sa pneumonia.

Isa siyang basketball player ng San Beda noong High School at para sa Mapua College na  ipinanganak noong Disyembre 25, 1937.

Naaalala si “Father Remy” bilang isang mapagmahal na asawa ni Mother Lily, isang haligi ng lakas at gabay sa kanyang mga anak, at isang minamahal na lolo at lolo sa tuhod.

Ang kanyang legacy ay nabubuhay sa pamamagitan ng kanyang mga anak, kabilang si Roselle, na nagpapatuloy sa tradisyon ng pamilya sa Regal Films, Dondon, na gumawa ng kanyang marka sa industriya sa Reality Films, at Coach Goldwin, na namumuno sa UP Fighting Maroons, Winston at Sherida, na namamahala ang Imperial Palace Suites.

Ang wake para kay Father Remy ay gaganapin sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City mula Hulyo 30 Martes, hanggang Agosto 2, Biyernes.

Ang mga oras ng pagbisita ay mula 10:00 a.m. hanggang 11:00 p.m., na may araw-araw na misa sa 7:00 p.m.

Ipinaabot ng pamilya Monteverde ang kanilang pasasalamat sa pagbuhos ng suporta at panalangin sa  panahon ng kanilang pagluluksa.

TVJ pang-Guinness Record na...Eat Bulaga, uumpisahan na ang kanilang 50th Anniv

Nag-celebrate ng 45th anniversay ang Eat Bulaga kahapon.

Ang tatagal na pala dun nina Jose Bayola at Allan K.

Ibang-iba pa ang mga hitsura nila nung nag-umpisa sila at literal na doon na sila inugatan – thirty years ago.

Ganundin sina Paolo Ballesteros, Ryza Cenon and Ryan Agoncillo at maging si Ice Seguerra.

Kasabay noon ang launching na rin daw ‘yun ng kanilang 50th anniversary.

Grabe, nakakabilib ang energy nina Tito, Vic and Joey na tumagal sila ng limang dekada sa telebisyon.

At pangako nila, 50 years and beyond pa.

Pang-Guinness World Records na talaga sila.

Show comments