Kinaaliwan ang video na ipinost ng aktres na si Arci Muñoz kung saan nilagyan niya ng filter ng mukha ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Napakomento ang mister ni Jinkee Pacquiao ng “Ibang klase ‘yang ano (phone) mo ah” nang makita niya ang filter kung saan mukha niya ang lumabas na nakapatong sa mukha ni Arci.
Tawang-tawa naman din ang aktres sa kalokohan niya na hindi naman ikinapikon ng boksingero at mabuti raw ay cool lang daw ito.
Komento naman ng basher ni Arci ay hindi raw malabong mangyari na magkatotoo ang pagiging magkamukha nila sa rami raw ng pinababago sa mukha ng aktres.
Para raw kasi nagiging kamukha na raw nito ngayon ang pumanaw na King of Pop na si Michael Jackson.
Isa nga siya sa nanood sa exhibitation fight ni Manny sa Japan na nilabanan ang kickboxer na si Rukiya Anpo kung saan draw ang resulta ng laban nila.
Ipinost din niya ang pagyakap niya sa isang boksingero na si Ryan Garcia na kinakiligan niya.
Naalala rin tuloy ng netizens na hindi raw ito nahagilap noong panahon na kailangan siya noong bagyong Carina bilang miyembro ng Philippine Air Force Reservist.
Samantala, natanong ng netizen kung sino na nga ba ang karelasyon nito?
Maaalala kasing na-link din ito sa pamangkin ni Jinkee na si Seth Jamora na tinanggi rin ng aktres. Kumalat kasi noon ang litrato nila sa account ng lalake pero nag-private account din ito noong panahong iyon.