Nagluluksa ang pamilya Gutierrez.
Namatay kahapon ang misis, si Alexa, ng kapatid nina Ruffa, Richard, Raymond na si Elvis.
Ayon sa post ni Ruffa, sinusubukan pa niyang tanggapin na wala na ang kanyang sister-in-law na may dalawang anak sa kapatid nila.
May leukemia si Alexa.
“I am still trying to process and accept that you are no longer with us. It’s so hard… Words cannot express how heartbroken and shocked I am.
“I love you so much my beautiful, irreplaceable Alexa.
“You will forever be in my thoughts and in my heart. Until we cross paths again…
“I’ll write more when able. Xx,” buong post ni Ruffa.
Wala pang detalye ng wake ni Alexa.
Ibinunyag ni Ruffa sa Instagram na ang kanyang hipag ay na-diagnose na may leukemia. At sumulat siya ng mahabang mensahe last Jan. 13 sa Instagram account niya.
“LEUKAEMIA WARRIOR. Alexa is a brave and beautiful soul, a devoted wife to Elvis, and a loving mother to Aria and Ezra, her two young daughters. In the face of this unforeseen adversity, she needs our prayers and support. Let’s storm the heavens and pray for Alexa’s complete healing.”
Ang aming pakikiramay sa naulilang pamilya ni Alexa.
Yam at Erich, hindi na kailangang mag-social media para kumita
Preggy na pala ang former Viva artist na si Yam Concepcion.
Wala siyang details na binigay sa kanyang post pero idinisplay niya ang baby bump kasama ang mister na si Miguel CuUnjieng. “Stingrays, turtles, pigs and a bump,” aniya sa post.
Sa New York na sila nakatira.
Ikinasal sina Yam at Miguel sa New York noong Hulyo 25, 2021. At aminado nun si Yam na “I will never forget the first time I met Miguel’s family. I was so nervous. Looking back now, I can’t help but sigh in complete relief and happiness because I had absolutely nothing to worry about. While I often thank Miguel for all the amazing things he has done for me, I think it’s just as important to take the time to thank the incredible family that he comes from.”
Galing sa mayamang pamilya si Miguel CuUnjieng at nag-aral ito sa ibang bansa. Mataas din ang posisyon sa pinagtatrabahunang kumpanya sa Amerika.
Isa si Yam sa mga artista na nakapag-asawa ng mayaman at hindi na kailangang maging aktibo sa social media at mag-create ng content para kumita.
Ganito rin ang kapalaran ni Erich Gonzales na pagkatapos ikasal sa negosyanteng si Mateo Lorenzo ay hindi na niya kailangang mag-showbiz at maging content creator.
Tutok sila sa pagiging mga misis sa mga mister na galing sa angkan ng mga bilyonaryo sa Pilipinas.
Ganito raw ang mga totoong ultra rich, binibigay na lang daw ang mga kailangan sa misis.
Sinibak na boss ng PTV4, nakakuha ng mga kakampi
Nung unang panahon, sa Channel 4 napapanood ang Olympics.
At talagang lahat ng event, may coverage.
Meron ngayon sa One Sports, at napapanood doon ang ilang pangyayari sa ginaganap na Paris Olympics.
Ang hirap kasing manood sa ibang platform lalo na kung mabagal ang internet mo. Mas advisable pa rin sa TV.
Pero talagang ang Channel 4, kumpleto ang coverage noon, may replay pa, kaya mas maraming nakakapanood.
Anyway, speaking of Channel 4, may connection kaya sa pagkakasibak o pagpapatalsik diumano sa beteranong broadcast journalist na si Ana Puod bilang People’s Television Network (PTV) General Manager ang hindi natuloy na programa ni Willie Revillame sa PTV4?
Tsinugi nga diumano ng Malacañang si Ms. Puod na naka-one year lang daw sa posisyon.
Si Antonio Baltazar “Toby” Nebrida Jr., na isang dating reporter ng PTV ang bumalik sa state-run network bilang acting general manager nito kasunod ng pagbabago sa pamunuan.
At ang huling chika nga, nagpahayag daw ng suporta sa kanilang dating General Manager ang PTV Employees Association (PTEA).
Bukas ang pahinang ito sa anumang pahayag ni Ms. Puod.
Angel, hindi napalabas ng Carina
Talagang hindi napalabas ng bagyong Carina si Angel Locsin.
Marami ang biglang nakaalala at naghanap sa misis ng producer na si Neil Arce dahil sa mga sinalanta ng habagat at bagyong Carina noong nakaraang Miyerkules.
Walang naramdamang Angel na laging nangunguna sa pagtulong sa mga biktima ng nakalipas na sakuna na dumating sa bansa.
Laging trending noon sa social media ang mga larawan ni Angel na naghahatid ng tulong sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas na hinagupit ng mga natural na kalamidad.
Maalalang lumusong siya sa baha para tulungan ang mga winasak ng bagyong Ondoy (2009) at storm surge Yolanda (2013). Kabilang din siya sa nagbigay ng unang tulong pagkatapos ng madugong bakbakan sa Marawi (2017), Mindanao earthquake (2019), Taal eruption (January 2020), at naging aktibo sa naging pagtulong noon COVID-19 pero nagkaroon ng kotrobersiya ang binuksan niyang community pantry nang may atakehin doon at namatay.
Hindi nakakalimutan ng fans ang ginawa niyang paglahok sa rally ng umabot na 11,000 empleyado ng ABS-CBN dahil hindi binigyan ang kanilang home network ng prangkisa ng gobyerno.
Sabi nga, si Angel ang Darna sa totoong buhay.
Ang narinig naming kuwento, kuntento raw si Angel ngayon sa kanyang buhay misis at masaya sa bahay at naglalaro ng video games.
Nauna na ngang kinumpirma ng bestfriend niyang si Dimples Romana na hindi na ito nagso-social media.
Mag-iisang taon na si Angel na walang post sa kanyang Instagram account na may 9.2 million followers.
August 1 ang huling post niya.
Samantalang two years na silang kasal ng kanyang mister. July 2022 nang pakasal sila.
Charo Santos, napa-guapa sa anak ni Aiko
Ang pretty ng anak ni Aiko Melendez na si Marthena Jickain.
Lalo na sa kanyang debut pictorial.
Kahit sina Charo Santos at Marian Rivera ay napa-comment ng ‘guapa.’
Post ni Aiko, kahapon : “Happy 18th Birthday to my dear @jickainmarthena ! You know how proud I am of you. Keep chasing your dreams; you are almost there. I love you so much, and you will always be our baby girl.”
Si Martin Jickain ang ama ni Marthena na isang chef na sa Boracay.
Nang tanungin ko si Councilor Aiko kung magso-showbiz na ba si Marthena, reply niya, “wah hahahaha.”
Aside from being a councilor in Quezon City, malakas din ang YouTube channel ni Aiko.
Anyway, ang pretty-pretty rin ng apo ni Lorna Tolentino na si Tori.
Si Tori ay daughter Rap Fernandez sa kanyang partner. Nasa Star Magic na si Tori.
Kim, bibiyahe sa South Korea
In-emphasize ni Kim Chiu na sa South Korea siya tatatanggap ng award.
“I got the news today! I am lost for words… beyond thankful, grateful, and extremely happy!!! I can’t believe this is happening. Thank you to #SeoulDramaAwards2024 thank you, ABS-CBN @dreamscapeph, and most especially to my lovely supporters for all the unconditional love, support, time, effort, and much more.? I am very lucky to have you all behind and beside me. Thank you for making this possible!
“My heart is full!!! MARAMING MARAMING SALAMAT PO! KOREA HERE I COME! Sa SOUTH HA? Hihi @seouldramaawards
“PHILIPPINES REPRESENT! #ForeverGrateful #Deceit #Linlang #JulianaMadeItToKorea.”
Si Kim ang epresentative ng bansa sa kategoryang Outstanding Asian Star sa Seoul Drama Awards 2024.
Malaking issue ang hindi sinasadyang maling pagpapakilala sa mga atleta ng South Korea.
Naglabas ng “deep apology” ang mga organizer ng Paris Olympic matapos maling ipakilala ang mga atleta ng South Korea bilang North Korea sa opening ceremony sa Paris.
Habang nagwawagayway nga ng bandila sa Seine River ang mga atleta ng South Korea, parehong ipinakilala sila ng mga host sa Pranses at Ingles bilang “Democratic People’s Republic of Korea” - ang opisyal na pangalan ng North Korea.
Nahati ang South and North mula nang matapos ang World War II, at nanatiling may tensyon na lalong tumindi kamakailan.
Ang South Korea ay mayroong 143 na atleta sa Olympic team nito ngayong taon, na nakikipagkumpitensya sa 21 sports.
Nagpadala ang North Korea ng 16 na atleta. Ito pala ang unang pagkakataon na sumabak ang NK sa mga laro mula noong Rio 2016.
Anyway, going back to Kim. Talagang unstoppable si Kimmy.
Kaya naman super duper proud ang sister niyang si Lakambini : “Boooommm!!!!!! My Queen My Everything!!!! U never fail to amaze us always WE are sooo Proud of u!!!!! I love you so much!!!! Congratulationsssssss @chinitaprincess”
Maging ang fans niya ay dagsa ang congratulatory gifts. “Maraming maraming salamat po!!!! flower shop yern? Hihihi thank you!? Happy Sunday everyone!” tweet ni Kim kahapon.