Marian, namakyaw ng pang ayuda

Marian

Buwis-buhay rin ang ginawang pagliligtas ng isang pamilya na may bata sa kasagsagan ng bagyong Carina at Habagat last Wednesday.

Bagong bayani ang bansag kay Gerald Anderson na out of the blue eh sinagasa ang baha at ulan upang tumulong.

Matandaang ginawa na rin minsan ni Richard Gutierrez ang tumulong Ondoy.

Walang masyadong balita kay Richard ngayon but at least, sa ginawa ni Gerald eh may mga artista pa ring handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya sa sarili nilang paraan.

Pero bibilib ka rin naman sa ibang mabilis namili ng mga grocery item para ipamigay sa mga nasalanta ng bagyo.

Kabilang diyan si Balota actress Marian Rivera na namili ng mga basic goods para makapamudmod ng mga pagkain sa mga nasa evacuation area.

Bongga si Marian na may dala pang calculator habang namimili.

Talagang ideal misis talaga.

Show comments