^

Pang Movies

Enchong, tatlo lang gustong katambal sa BL!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Enchong, tatlo lang gustong katambal sa BL!
Enchong

Payag daw si Enchong Dee na gumawa ng isang boys’ love movie pero ang gusto niyang makasama ay either si Jericho Rosales, Piolo Pascual, Alden Richards. Iyang tatlo ay mga prime leading men na hindi pa naman gumagawa ng mga gay themed movies o tv show man lang.

Pero bakit naman sa dinami-raming pwedeng gawin ni Enchong, ang itinanong nila ay isang BL movie.

Ano ba ang nakikita nilang katangian ni Enchong bilang isang aktor?

Kung sabagay, isipin ninyo si Coco Martin ay marami ring ginawang BL indies noong araw, at hindi lang iyon BL kundi talagang gay themed movies, pero tingnan ninyo ngayon si Coco, isang mahusay na aktor/direktor.

Nawa’y ganun ang maging kapalaran ni Enchong.

Ate Vi, mabilis tumulong

Wala man siya sa posisyon ngayon sa Batangas, hindi rin nakatiis na hindi magpadala ng tulong sa mga biktima ng bagyong Carina sa kanilang lalawigan si Vilma Santos. “Hindi ka naman tumutulong lang dahil opisyal ka. Hindi ka naman tumutulong dahil lang sa pulitika,” umpisa ni Ate Vi.

“Kulang ang tulong sa rami ng nangangailangan. Eh tayo naman ay may mga kaibigan na handa ring tumulong,” dagdag niya.

“Buo pa rin naman ang ating staff doon at patuloy na may trabaho kahit wala na tayo sa kongreso at sa lalawigan,” chika pa sa akin ng Star For All Seasons.

“Si Ralph (Recto) rin naman hindi na niya trabaho iyon pero matitiis mo bang hindi tumulong. Hindi lang naman sa Lipa may mga ibang bayan pa ring binaha eh mga kababayan din naman natin iyon. At sa palagay namin katungkulan naman natin bilang mga Kristiyano na tumulong sa ating kapwa lalo na sa ganyang panahon ng kalamidad.”

Sana nga lahat ng mga artista, tumulong din sa mga winasak ng bagyong Carina.

Mark, mas bumenta sa sex video

Parang ‘di inaasahang magsasalita si Mark Anthony Fernandez tungkol sa kanyang kumalat na sex video.

Siyang-siya nga naman ‘yun kaya mahirap itanggi.

Pero ang masama, ‘yung mga ibang nagkakalat pa ng nasabing video.

At ang the height pinagkakakitaan pa ang nasabing video na ang ginagamit na pambenta ay kesyo enhanced daw ‘yung hawak nilang version.

Hay naku sana wag naman gamitin ‘yun para kumita sila.

Pero sa totoo lang, wala namang nawala kay Mark.

In fact, parang mas naging hot item nga siya dahil talagang nag-viral ang nasabing video. At higit sa lahat siya ang mas pinag-usapan kesa sa babaeng kanyang kasama.

vuukle comment

ENCHONG DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with