^

Pang Movies

Dating sexy star na si Stella Ruiz, matagumpay na broker sa U.S.

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Dating sexy star na si Stella Ruiz, matagumpay na broker sa U.S.
Stella

Salve A., natatandaan mo pa ba ang dating model at sexy actress nung dekada nobenta na si Stella Ruiz who is actually Stella Ruiz White in real life?

Stella White has long been living in New Jersey, USA kung saan siya ngayon isang successful licensed real state broker.

The 48-year-old former model-actress ay na-discover noon ng veteran fashion designer na si Renee Salud who trained her na maging isang successful fashion and ramp model at age 14 at estudyante pa siya noon ng Trinity College (now Trinity University of Asia) in Quezon City.

Hindi na nito natapos ang kanyang pag-aaral ng kursong Communication Arts dahil naging abala na siya sa pagpu-model hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa including Singapore, Malaysia and Hong Kong.  

Sumali rin siya noon sa beauty pageant nung 1996 kung saan siya finalist.

Taong 1995 when she was signed up ng Mahogany Films at binigyan siya ng kanyang launching movie na Sambahin Mo ang Katawan Ko. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang mga pelikulang ginawa ni Stella bilang sexy star. 

Last movie niya nung 1999 ang Resbak, Babalikan Kita.
Nakagawa rin siya noon ng ilang TV series at kasama na rito ang Rio del Mar at Esperanza ng ABS-CBN at ang Sugo ng GMA.

Pagpasok ng taong 2000 hanggang sa kasalukuyan ay nag-migrate na siya sa Amerika.

She married a certain Philip nung 2009 na na-link noon sa actress-comedienne na si Gladys Gueverra.  Hindi klaro kung couple pa rin sila hanggang ngayon.

Ang ilan pang celebrities na naka-base sa New Jersey and New York ay sina Marianne de la Riva at Rachel Anne Wolfe among others.

Sarah, tahimik ang birthday

Kaarawan ng tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kahapon, July 25 and she’s 36 at mahigit apat na taon na rin siyang misis ng singer, actor at entrepreneur na si Matteo Guidicelli.

Twenty one years in showbiz magmula nang siya’y tanghaling grand winner sa 2003 Star for a Night, hosted by singer-actress Regine Velasquez which was aired on IBC-13.  Pagkatapos nito ay ang Viva Artists Agency na ang namahala sa kanyang career hanggang ngayon although may say na rin siya sa mga proyektong kanyang gagawin ngayon.

Although childless pa rin sila ng kanyang mister, ayaw ni Sarah magpa-pressure na magkaroon ng anak.

A big fan of the late King of Pop na si Michael Jackson, Sarah is not only a good singer and dancer kundi isa rin siyang mahusay na aktres laluna sa mga rom-com.

Although matagal-tagal na ring walang bagong concert at movie si Sarah, isa sa mga araw na ito ay bubulagain na lamang niya ang kanyang mga tagahanga.

vuukle comment

STELLA RUIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with