^

Pang Movies

Gerald, tumulong sa pagre-rescue ng bata; mga mall nagbukas para sa mga binaha, anne nanawagan sa mga may alagang aso

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Gerald, tumulong sa pagre-rescue ng bata; mga mall nagbukas para sa mga binaha, anne nanawagan sa mga may alagang aso
Gerald Anderson

Nagdeklara na ng State of Calamity sa Metro Manila habang sinusulat namin ito.

Ang tindi ng ulan, parang maaalala mo ang mga naganap noong Ondoy.

Pero makikita mo rin ang dahilan ng matinding baha ay ang mga basurang bumabara sa mga daluyan ng tubig.

Ang daming mga basura na nagkalat sa kahapon sa mga apektado ng mga matitindang pagbabaha.

Kaya talagang dapat mag-iwan ito ng aral tho ganito na lang lagi ang  sinasabi tuwing magkakaroon ng matinding baha sa ating bayan.

Grabe ang Carina, ang daming lumubog na kotse at mga nagpunta sa kanilang bubungan upang makaligtas sa baha.

Anyway, ang pakiusap naman ni Anne Curtis nang may makita siyang photo na nakatali ang isang aso sa baha, “Please don’t leave your pets chained up or even worse, in a cage.”

May mga alagang aso ang iba na nakatali sa kadena at nakakulong naman ang iba sa gitna ng pagbaha.

Nakakaiyak ‘yung mga aso na nasa kulungan at naiiwan talaga sa baha.

Lampas tao ang maraming lugar kahapon sa maraming bayan sa Metro Manila at ilang karatig probinsya.

Maaga namang nagsara ang malalaking mall sa Quezon City pero bukas sila sa mga naapektuhan ng habagat at bagyong Carina na kailangan ng pansamantalang matutuluyan.

Naging libre rin ang overnight parking, may libreng WiFi, charging stations at help desk.

Ang aming dasal sa mga naapektuhan at pinalubog ng bagyong Carina.

Marian, nagbitbit ng palaka

Nakeri ni Marian Rivera ang frog clutch bag.

Marami ngang na-curious kung ano ‘yung hawak na frog si Marian sa media conference ng Nekocee - the daily essential for a healthy lifestyle, ang kanyang bagong endorsement.

Kala nila, advice ‘yun ng Feng Shui.

Sa ilang kultura, ang encounter sa palaka ay pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte at kasaganaan.

At akala nila ganun ‘yun. Pero clutch bag pala.

Keri talaga ni Marian kahit ganun lalo na at yellow ang color ng bagong endorsement niya. Green ang kulay ng frog clutch bag.

Kasi kung iba ang gumamit ng nasabing frog clutch, baka parang laruan ang dala.

Anyway, ipinasilip na nga ang official 30-seconder trailer ng Cinemalaya official entry na Balota kung saan makikita ang pagbabardagulan nina Sassa Girl at Esnyr. Maririnig din ang catchy music bilang campaign jingle na madalas na ginagamit ng mga pulitiko kapag nangangampanya. Ipinakita rin ang ilang eksena ni Kapuso Primetime Queen and Box Office Hero na nagwawala habang yakap ang balota.

Marami ang na-excite pang lalo dahil ibang-iba ito sa mga naunang ipinalabas na teasers kung saan nakita ang mabibigat na eksena ni Marian habang tumatakbo sa kagubatan dala-dala ang balota.

May touch of comedy man, alam mo pa ring may sense of reality ng seryosong usapan tungkol sa paghihirap ng mga guro na protektahan ang boto ng mga mamamayan.

Bago pa man ipakita ang trailer, marami na ang nagpahayag ng magagandang salita ukol sa pelikulang ito ni Marian.

Ito na raw ang magbibigay ng acting award sa actress.

Docu-feature ng Eraserheads, unang mapapanood sa San Diego Comic-Con

Magkakaroon ng world premiere ang documentary feature ng Eraserheads: Combo on the Run sa July 26 at the San Diego Comic-Con, “the largest convention of its kind in the world” (ayon sa Forbes), which transitioned from specialist comic-book, sci-fi, and fantasy hub to mammoth multi-genre gathering since its inception in 1970.

Ang Eraserheads: Combo on the Run ay sinulat at dinirek ni Maria Diane Ventura. At ito ang kanyang first feature since 2021’s much-lauded Deine Farbe (Best German Feature, Berlin Festival; Best Director, International Film Festival Manhattan).

Ang banda na binubuo nina Ely Buendia, Buddy Zabala, Marcus Adoro and Raymund Marasigan, ay kasalukuyang nasa kanilang Huling El Bimbo world tour sweeping cities of US and Canada, at itatampok din sa SDCC-exclusive issue sa hit Filipino-American indie comic The Legendary Lumpia Squad. At the same time, a panel dedicated to the Lumpia universe is also scheduled on July 26, 7-8 p.m., at Room 6 BCF of the San Diego Convention Center.

Si Ely, the Eraserheads’ singer and chief songwriter, ay dadalo sa panel kasama ang creator ng Lumpia Squad na si Patricio Ginesla at ang legendary artist na si Whilce Portacio (X-Men, Stone). Makakasama rin siya sa exclusive autograph signing na nakatakda sa susunod na araw, July 27.

Sinasamba sa Pinoy alt-rock noong dekada ‘90 at higit pa, si Ely at ang mga kasamahan sa banda na sina Raymund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro ay, sa paraan ng pagsasalita, ay tinuturing na music superheroes sa mata ng mga tagahanga lalo na ng Pinoy fans at ganundin sa ibang bansa.

Nagsimula ang production ng Combo... nung 2022 kasabay ng pagtatanghal ng Huling El Bimbo: ‘a monumental gathering that provided reprieve to a nation still reeling from the effects of a divisive political year. The feature ultimately zeroes in on how this “unlikely group of disbanded punks” was able to provide healing while, ironically, grappling for it themselves.’

 

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with