^

Pang Movies

Eight-year-old CEO, maraming bagong endorser

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Eight years old pala ang pinakabatang CEO ng bansa, si Kryzl Jorge.

Pormal ngang inilunsad ang kanyang pinakabagong health supplement, Veggie Boost at Fruity Boost, habang iniisip niyang tulungan ang mga magulang na ibigay ang mahahalagang bitamina na kailangan ng kanilang mga anak lalo na ngayong tag-ulan at tutok na rin sa mga gadget ang kabataan sa kasalukuyan.

At nang tanungin tungkol sa kahalagahan ng kalusugan, sinabi ni Kryzl, “ito ay mahalaga dahil ito ay tumutulong sa amin na lumakas. Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay ang pinakamagandang bagay na maaari mong gawin.”

Puno nga raw ng mga tunay na prutas, gulay, at bitamina tulad ng Vitamin C, D, Zinc, at marami pang iba, ang Purple Heart’s Veggie Boost at Fruity Boost ay nagbibigay ng makapangyarihang mga kumbinasyon upang mapabuti ang immune system ng ating mga anak at suportahan ang kanilang paglaki at pag-unlad.

Sa naturang event, kasama ni Kryzl ang mga pinakabagong product endorsers nito, ang It’s Showtime kids na sina Argus, Kulot, at Kelsey. Dumalo rin sa product launch ang mga celebrity moms na sina Candy Pangilinan, Dianne Medina, Dani Barretto, Maxine Medina, Mich Liggayu, Chi Atienza, at Kapuso stars na sina Rodjun Cruz, Kiray na naniniwala sa misyon ng batang CEO na unahin ang kalusugan at kapakanan ng mga tulad niyang bata.

Bukod sa paglulunsad ng mga bagong supplement nito, binuksan din ni Kryzl ang Purple Hearts Foundation para palakasin pa ang misyon nito at tulungan ang mga mahihirap na hindi magdusa sa malnutrisyon at micronutrient deficiency.

Bago ang nasabing paglulunsad ng produkto, inanunsyo ng Purple Hearts ang pakikipagtulungan nito sa It’s Showtime sa isang contract signing noong Hulyo 17 upang maihatid ang mga produkto nito sa mas mara­ming Pilipino sa buong bansa.

Grabe, eight years old lang, CEO na.

Paano kaya maging ganon?

Anyway, kasabay ng launching ng kanyang bagong produkto ang birthday celebration ni Kryzl.

vuukle comment

CEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with