Kim, naiyak sa jowa ng ex!

Kim

Haharapin ni Kim Chiu ang kanyang ex-boyfriend kung sakaling makita niya ito kasama ang bagong girlfriend.

Emosyonal na sinabi ito ni Kimmy sa episode ng It’s Showtime last Monday.

Tinanong kasi si Kim ng co-host niyang si Jackie Gonzaga kung ano ang kanyang gagawin kung makita niya sa hallway ang kanyang ex-boyfriend kasama ang bagong girlfriend nito.

Natawa ang iba pang co-hosts ng show pati na rin si Kim at hinintay ang kanyang sagot. Sey ni Kim, “hindi, dapat ano ka lang, kasi ganu’n naman ang buhay, eh. Hindi naman binibigay ni God ‘yung mga hardest battle Niya to be strong...”

Biglang sumingit si Vice Ganda at aniya, “ang tanong lang, ano raw ang gagawin mo?”

Diretsong sagot ni Chinita Princess, “haharap, siyempre, alangan…” at napaiyak na. “Akina tissue!” pagbibiro pa niya.

At tuluyan na ngang napaiyak ang aktres. “Hindi, dapat ganu’n talaga. Hindi ka dapat tumatalikod sa mga bagay na magpapalakas sa ‘yo,” she said crying.

“Kurek,” sabi naman ni Vice.

Pakatapos nito ay nagyakapan sina Kim at Jackie at umiiyak pa rin ang aktres.

Hindi man nabanggit ang pangalan ni Xian Lim, alam naman ng lahat na ang aktor ang huling naging boyfriend niya.

Kanya-kanya namang opinyon ang netizens sa pag-iyak niya. May naka-relate sa kanya at nakisimpatiya pero may mga nagsabi ring hindi pa siya maka-move on sa breakup kaya naiiyak pa rin siya. Pero ipinagtatanggol naman siya ng ibang netizens.

Luis, handang mag-aral ulit para sa pulitika

Inamin ni Luis Manzano na unlike before na wala siyang balak na pasukin ang pulitika, ngayon daw ay ikino-consider na niya ito. “Kung sakaling bumukas ‘yung pinto na ‘yan, mas iko-consider ko na. I guess that’s the best way to put it. Mas i-consider ko nang tumakbo,” pahayag ng anak nina Vilma Santos at Edu Manzano sa On Cue.

“Kasi before kaya kong magbigay ng sagot na, ‘Hindi pa,’ na kaya kong sagutin ‘pag tinanong mo ako, ‘Luis tatakbo ka?’ Sagot ko, ‘malabo-labo.’ Ngayon it’s more of pwede, tingnan natin kung saan tayo dalhin,” dagdag niya.

At mukha namang may kaalaman na rin naman kahit paano si Luis sa pulitika since from day 1 ay nasaksihan din niya ang political career ng kanyang mommy not to mention the fact na pati ang stepfather niyang si Ralph Recto ay nasa politics din. Maging ang ama niyang si Edu ay sinubukan ding pasukin ang mundong ito.

“I think kahit paano you can be equipped to some degree pero the moment na ihalal ka, I think from that day up to the day that you decide to step away, it’s a learning experience.”

Noon pa nga raw ay may kumakausap at kumukumbinsi sa kanya na tumakbo.

 “‘Yung time na ‘yun hindi pa ako handa. Basta bawat punta ko sa Batangas meron at meron akong nakakausap, kahit dito sa ABS-CBN,” sey pa niya.

Natutuwa naman ang TV host kapag naririnig niyang magiging magaling din siyang public servant tulad ng kanyang ina at ng stepfather.

“When you hear something like that it means na napaganda ng legacy na iniwan ng mommy mo. At may tiwala sila sa ‘yo na kaya nilang ituloy ‘yun o dagdagan pa ang legacy na iniwan ni mommy at ni tito Ralph.

“I would like to think na base sa nakita ko sa mga magulang ko, handa rin naman ako mag-aral ulit,” aniya.

Inamin din niyang napag-usapan na rin nila ng kanyang misis ang tungkol dito;

So, abangan natin sa October kung magsusumite ba ng kanyang certificate of candidacy si Luis.

Show comments