^

Pang Movies

Jennylyn, inuna ang anak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Jennylyn, inuna ang anak
Jazz at Jennylyn

Wala namang pormal na sinasabi pero ang hindi pagdating ni Jennylyn Mercado sa GMA Gala ay binigyan na naman ng ibang kahulugan. Mukhang sa kabila raw ng kanyang denial ay talagang lilipat na si Jennylyn sa ABS-CBN. Kasi hindi pa siya pumipirma ng bagong kontrata sa GMA 7 bukod doon bakit nga ba wala siya sa gala eh lahat halos naroroon, pati ang mga taga-ABS-CBN nakisali at “na-Eva Darren pa nga ang GMA artist na si Nadine Samonte.” Tapos siya na leading lady ang category sa network, wala?

Dumepensa ang kanyang glam team, nakahanda na raw sila para ayusan si Jennylyn, at ready na rin daw ang gown na isusuot ng aktres. Pero biglang nagkaroon ng problema. Tinamaan ng trangkaso ang anak niyang si Alex Jazz at natural hindi naman maaaring iwanan ng ina ang isang may sakit na anak.

Kaya nagdesisyon daw si Jen na hindi na pumunta sa party at aasikasuhin na muna ang anak tutal may ganyan pa namang party sa susunod na taon.

Herlene, nanapaw ng mga nag-tie

Nakakatawa talaga, mas naging malaking balita pa iyong nahulog sa stage si Herlene Budol hanggang ngayon at hindi napansin ang tie awards.

Mas matinding issue talaga ang pagkahulog ni Budol, dapat nga magkaroon ng isang task force o isang Senate investigation kung ano ba talaga ang nangyari.

Natapakan ba niya ang gown niya o talagang nahulog siya sa stage?

Hahahaha.

Aktor, tinanggihan ang maedad na bading

Tawa kami nang tawa dahil noong isang gabi ang pinag-uusapan daw ng isang male starlet ay payag na siyang magladlad ng kapa o lumuhod nang walang belo kung ang Singaporean star na si Titus Low ang kanyang makakasama, pero hindi pala dahil ang nagkainteres daw sa kanya ay may edad na bading. Na siyempre ayaw naman niya dahil para na siyang pumatol sa isang matandang matronang wala nang kinabukasan pang aasahan.

Eh inayawan na rin iyan ng isa niyang kulukadidang dahil mukhang seseryoshin na nga yata ang kanyang naging kabs na female bold star, after all may anak na sila.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with