^

Pang Movies

Chika ng mga online shopper... gown ni Bea, ang daming kapatid na mumurahin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Chika ng mga online shopper... gown ni Bea, ang daming kapatid na mumurahin
Bea

Nakakatuwa ang bashers nina Marian Rivera at Bea Alonzo dahil ang suot na gown ni Bea at ang gamit na clutch ni Marian ang pinagtripan. Kahit pinayuhan to delete her/his tweet dahil mapapahiya lang siya, ayaw makinig.

Ang lakas ng loob nitong sabihin na sa Shein binili ni Bea at ng stylist nito ang white gown na suot sa nasabing event. Pinost nito ang gown at gown na nasa Shein na kapareho naman talaga. Ang Shein ay isang fast fashion retailer, pero ang gown niya ay galing sa Maison Alaia at mamahalin.

Sabagay, hindi lang naman ang nag-akalang sa Shein binili ng kampo niya ang suot na white gown dahil may mga hindi rin nagustuhan ang gown niya. Para raw wild mushrooms ang nasa side ng gown at may nag-comment pa na parang may malaking sandalan ng upuan na design.

Marami naman ang dumepensa sa kanya, mga ignorante raw sa fashion ang mga nag-comment na pangit ang gown niya. In fact, stunning at classy ang gown at lalong nagpa-highlight sa ganda ng aktres.

Isa pang napagtripan ay ang bag daw ni Marian na marumi at mukhang sa ukay-ukay lang binili. Kahit sinabi sa kanyang design ng bag ang sinabi niyang dumi, tuloy pa rin ang basher sa paniwalang dumi ang makikita sa gilid ng bag.

Ipinaalam na nga sa basher na Bottega Veneta ang bag at worth P1.2 million.

Pero sabi nga, hanggang ganyan lang naman ang mga basher at pinaka-the best ‘wag silang patulan para tumigil.

Herlene, wagi sa halik

Ang comment ni Herlene Budol na “Panalo padin” tungkol sa reels kung saan, nahalikan niya finally si Alden Richards. In fairness kay Herlene, nagpaalam siya sa aktor kung puwede siyang i-kiss? Pumayag ito, “puwedeng-puwede raw” at bukod sa kiss, may kasama pang hug.

Marami ang nainggit sa kanya at biniro siyang may pila at dapat pumila muna siya.

May panirang comment din na ang sabi, panalo nga raw ito dahil naka-kiss siya kay Alden, kaso, kay Rob Gomez siya bumagsak.

Na-link kasi sila nang magkasama sa isang series ng GMA 7 at si Herlene pa ang sinisi nang maghiwalay sina Rob at girlfriend nito. Wala rin namang nangyari sa kanila dahil nang matapos ang kanilang series, natigil na rin ang pagli-link sa kanila.

Barbie, may aaminin sa birthday?!

Pati si Mond Gutierrez, nag-like na rin ng post ni Barbie Imperial sa post ng Kapamilya aktres ng photos niya na may caption na “It’s Leo season,” ang comment ni Mond ay “Love this.” Tanong tuloy ng fans, ibig bang sabihin nito ay tanggap nito si Barbie na maging GF ni Richard Gutierrez?

Anyway, ni-like ni Richard ang bagong photo post ni Barbie who will be celebrating her birthday on Aug. 1.

Ang pinaka-inaabangan ng fans ay kung magkakaroon ng soft launch sa kung anumang relasyon mayroon ang dalawa sa birthday nito. Wish din ito ng press para next time na may mediacon si Barbie, hindi siya magre-request ng “no personal question.”

Nangyari ito sa mediacon ng How To Slay A Nepo Baby at talagang hindi siya natanong ng anything about Richard kahit gigil na ang press na magtanong.

Incidentally, showing sa July 31, 2024, ang nasabing Viva Films movie sa direction ni Rod Marmol. Kapwa bida ni Barbie sa movie sina Sue Ramirez at Phi Palmos.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with