^

Pang Movies

Backstage access sa concert ni Belle, available na

Pang-masa
Backstage access sa concert ni Belle, available na
Belle Mariano

MANILA, Philippines — May espesyal na regalo ang ABS-CBN para sa fans nina Belle Mariano at ng BINI members na sina Aiah at Colet dahil pwedeng i-enjoy ang exclusive insider access sa latest na mga ganap ng kanilang mga idolo. Available ito sa lahat ng Super Kapamilya members sa buong mundo sa pamamagitan ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Tuloy-tuloy pa rin ang selebrasyon ng fans ni Belle pagkatapos ng matagumpay nitong BELIEVE: The Belle Mariano Birthday Concert dahil mapapanood nila ang BELLElulu insider access tampok ang 24-hour concert preparation coverage.

Ipapasilip ni Belle, kasama ang host na si Milo Elmido Jr., ang naging rehearsals niya, pati na rin ang masasayang ganap backstage kasama ang ilang celebrity guests.

Sigurado naman na hindi na mabibitin ang Blooms sa nakakaaliw na kwentuhan ni BINI Aiah kasama si Kuantie Melai Cantiveros sa Kuan on One talk show dahil napapanood na ang extended Q&A ng dalawa.

Dapat din abangan ng Blooms ngayong Hulyo ang extended Kuan on One scene tampok naman ang mga kwentong buhay ni BINI Colet.

Ilan pa sa mga latest offering ng Super Kapamilya ay ang unang pasilip sa episodes ng online series na Zoomers pati na rin ang insider access sa Sagrado Workout Routine  tampok ang cast ng Pamilya Sagrado.  Handog ng ABS-CBN ang Super Kapamilya  para sa loyal fans kung saan may access ang mga ito sa exclusive livestreams, Q&A sessions kasama ang paboritong Kapamilya stars, behind-the-scenes access, at unang pasilip sa iba’t ibang content.

vuukle comment

BELLE MARIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with