Family Feud, ‘di nakakabog!

Dingdong Dantes

MANILA, Philippines — Nananatiling panalo sa ratings ang award-winning game show ng GMA Network na Family Feud!  

Pero ang tunay na panalo ay ang mga studio player at avid viewers ng show.

Bukod sa celebrity players na naghuhulaan ng survey answers, araw-araw ding may nananalong viewers sa mas pinalakas at mas pinasayang Guess To Win promo.

Limang survey questions ang lalabas sa commercial breaks ng GMA Afternoon Prime shows. May additional 2 questions din na ipapakita sa mismong episode ng Family Feud.

Para ipadala ang inyong mga sagot at malaman ang iba pang detalye, bisitahin lang ang http://gmanetwork.com/ FamilyFeudGuessToWin.

Araw-araw inaanunsyo ng Family Feud ang 7 winners ng Guess To Win promo na makakatanggap ng P20,000 each!

Tumutok lang sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes tuwing 5:40 p.m. sa GMA-7 at Kapuso Stream.

Show comments