^

Pang Movies

Fashion sa SONA, kasama sa mga inaabangan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kaloka, hinang-hina ako kahapon.

May kinalaman ata sa panahon.

May pagbabanta ng ulan at bagyo ang panahon kahapon, Linggo. Kaya tamad na tamad akong bumangon.

Nasa kama lang ako buong araw at nagmumuni-muni.

‘Kaloka.

Pero tiyak kong aabangan ko ang gagana­ping State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos ngayong araw.

Hindi talaga ako lalabas. Maglalagi ako sa harap ng TV at makikinig at magbabantay sa mga susuotin ng mga misis ng pulitiko at saka siyempre ni First Lady Liza Marcos na ang sipag-sipag dumalo sa iba’t ibang okasyon na may kinalaman sa industriya ng pelikula.

At hindi raw siya umeepal ha.

Hangga’t maaari raw hindi pa-low key ang kanyang pagdating pero dapat andun ang mga security.

Kaya bilib ako kay Madam Liza.

Kaya tutukan natin ang SONA bukas ng hapon. Tiyak na maraming coverage ang lahat ng channel kaya makukuha nito lahat ng anggulo at mga pangyayari sa Batasang Pambansa.

Kaya kung wala kayong gagawin, stay na lang kayo sa mga balur ninyo at manood ng TV para may alam sa mga pangyayari sa ating bayan.

‘Yun lang at babu.

Yassi, ‘di raw bagay sa karelasyon

Kasamang rumampa ng aktres na si Yassi Pressman ang karelasyon nitong pulitiko na si Gov. Luigi Villafuerte sa GMA Gala.

Suot ang white tube dress na may beaded rim, lutang ang ganda ng aktres.

Na-excite ang aktres dahil ito ang unang beses na um-attend siya na may date.

Suwerte nga raw ang pakiramdam ni Gov. Luigi dahil ang ganda ng date niya at nagputi raw siya dahil gusto niyang maging ‘White Rider.’

Kasalukuyan kasing ginagawa ng aktres ang seryeng Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Hindi naman nawawala ang bashers nila at nilait-lait nila ang pulitiko. Hindi nga raw sila bagay dahil ang ganda raw ng aktres para sa karelasyon.

Madyutim daw ang pulitiko at parang ang gaspang kumilos.

Hahahaha. Siyempre, totoong lalaki alangan namang mahinhin.

Bongga. As if kilala ko naman sila.

Hahahaha.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with