Tuluyan nang tinuldukan ni Nadia Montenegro ang issue sa pagitan nila ni Baron Geisler at ng bunsong anak na si Sophia.
Sa guesting ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda last Friday, diretso nang pinangalanan ni Nadia si Baron na siya ngang biological father ni Sophia.
“Tito Boy, I already admitted that, yes,” aniya nang diretsong tanungin ng host na si Boy Abunda kung may anak talaga sila ni Baron.
“Sophia is turning 18 in August and that’s why I’m here, it’s not for views, not to trend because that’s one thing I hate, but to put an exclamation to everything,” she said.
Pinagpipiyestahan na naman daw kasi ang isyung ito ngayon kaya nais niyang sabihin na hindi niya tinatawag na pagkakamali si Sophia. “Sophia is one of the most beautiful girl you can ever meet. Not just sa mukha niya, pati puso niya, tito Boy. This child has been through so much” aniya.
Nabanggit niyang may communication daw sina Baron at Sophia pero hindi pa raw nagkikita ang mag-ama. “You came out in an interview all of a sudden without even asking us? Even if you don’t mention my name, sa tingin mo hindi kami nabulabog? Did you even think for a while what would happen to your daughter?” ang mensahe niya kay Baron.
Ang tinutukoy ni Nadia ay ang interview ni Baron kay Ogie Diaz kamakailan kung saan ay sinabi ng aktor na may isa pa siyang anak pero hindi niya tinukoy kung sino ang ina.
Anang aktres, “dahil may inamin siya sa interview niya kay Ogie Diaz, then pinik-ap na naman ng ibang ano, masasamang elemento, so ayun.”
Dahil dito ay naapektuhan daw ang daily life ni Sophia gayundin ang school life nito. Pinag-usapan daw ang anak niya sa school at na-bully.
“School, friends, she was bullied. Someone all of a sudden just posted on student council page of pictures of Baron in jail. (It stated) ‘kaninong tatay to?’” kwento ni Nadia.
Aniya ay gusto na raw niyang tapusin ang isyung ito and go on with their lives.
“Hindi ko kinakalat ito para mag-entertain or para pagpiyestahan ninyo ang buhay ko, buhay ng anak ko. I want this to end because my daughter is turning 18 soon. And she does not need to come out of this world and answer questions for her mother,” patuloy niya.
“So, I’m putting an end to this now, tito Boy. So yes, I’m happy, I have a child named Sophia, and she does not need anything else in this world because she’s complete,” pahayag pa ni Nadia.
Julie Anne, tinadtad ng adjective si Ravyer
Kaarawan ni Rayver Cruz kahapon, July 20, at siyempre, may napaka-sweet na birthday greetings sa kanya ang girlfriend na si Julie Anne San Jose na nagpakilig sa lahat ng JulieVer fans.
Sa birthday greetings na ipinost ng Asia’s Limitless Star sa Instagram, talaga namang lahat na yata ng magagandang adjective na pwedeng sabihin sa isang tao ay sinabi niya kay Rayver.
“Sa mahal kong napakagwapo, napakabait, napakasweet, napakamasayahin, napakatiyaga, napakamaalalahanin, nakapatalented, napakahumble, napaka-marespeto, napaka-maka-Diyos, napakabuti ng puso, and the list goes on..” simula ni Julie Anne.
“Napakaswerte at blessed ko dahil araw-araw mong pinasasaya ang puso ko, and I too, will always do the same. Happy Birthday my love! Mahal na mahal kita ngayon at kailanman,” ang nakakakilig pang mensahe niya sa BF.
Nag-reply naman si Rayver na na-touch sa mensahe ng girlfriend.
“Huhuhu thank you my love mahal na mahal kita forever.”