^

Pang Movies

Daniel, Zanjoe at Richard, bibida sa serye!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Daniel, Zanjoe at Richard, bibida sa serye!
Daniel

The long wait is over sa fans ni Daniel Padilla dahil malapit na siyang muling mapanood sa isang series ng ABS-CBN. Wala pa kaming nabasang title ng series na makakasama niya sina Zanjoe Marudo at Richard Gutierrez.

Action ang series, kaya pala nag-target shooting si Daniel at may matinding workout, para pala ‘yun sa action series. Kundi kami nagkakamali, first action series ito ng actor at first time rin niyang makakasama si Richard.

And speaking of Daniel, nagsasagutan ang fans nito at fans ng BINI. Pinuna yata ng isang fan ni Daniel ang pagsusuot ng mask ng BINI habang nasa airport at pasakay para sa isa nilang show.

Si Daniel at hindi ang fan nito na nag-comment sa mask na suot ng BINI ang binalikan ng BINI supporters. Si Daniel, daw laging nakasuot ng salamin na agad namang sinagot ng fan ng aktor. Kailangan daw nakasalamin si Daniel dahil bawal maarawan ang mga mata nito at nagkaka-migraine, ayun, nagsasagutan pa ang dalawang kampo.

Heart, pinupulitika

Bongga talaga ang mga gamit ni Heart Evangelista, puro mamahalin at isa na rito ang flinex niyang Louis Vuitton Nanogram Speaker na dala-dala niya sa isa niyang pagrampa. Naging curious ang fans nito kung ano ang dala niya, hanggang may magsulat.

Ayun nga, LV Nanogram Speaker, made of aluminum at aabot ng 17 hours ang battery. January this year lang daw ito na-release bagu-bago pa at mahal. Available raw ito for P129,982 pesos based sa current exchange rate. Ang mahal at sa caption niyang “@louisvuitton loud & proud,” kaya siguradong marami ang bibili.

Speaking of Heart, sa bagong post nito, nakasama niya sia First Lady Liza Araneta-Marcos at Manila City Mayor Honey Lacuna sa distribution ng school supplies sa indigent students. Tinawag na “Bags of Hope” ang event na kasama nila ang MSN Foundation sa San Andres, Manila.

Hindi lang maganda ang mga comment na ginamit siya ng First Lady dahil sa SONA bukas. May nag-comment pa na sana hindi na lang isinama sa video si FL na foul naman yata. Nag-distribute lang ng school supplies, hinaluan na ng pulitika. Paano kung napakiusapan siya ng FL na sumama bilang siya ang Senate Spouses President?

Sunshine at partner ni Cesar, BFF!

Ang sweet nina Sunshine Cruz at partner ni Cesar Montano ngayon na si Kath Angeles, nagpalitan sila ng birthday greetings. Naunang nag-birthday si Kath at binati siya ni Sunshine ng happy birthday at may kasama pang picture niya.

Nang mag-birthday si Sunshine noong July 18, ito naman ang bumati sa kanya via Instagram. Patunay ito na maganda ang relasyon ng dalawa na for sure, ikinatutuwa ni Cesar.

Sabi ni Kath, “Have the happiest of birthdays, you deserve it! You’re a shining star, keep it up. Ganda mo! Love you, Shine!”

Pati mga anak ni Sunshine kasundo ni Kath at maganda rin ang trato ni Sunshine sa mga anak nina Kath at Cesar.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with